Phone call

4 1 0
                                    


Kinabukasan

Paggising na paggising palang ay agad na kog nagbudget ng pera. Diretso sa grocery para bumili. Di ako bibili ng produkto kung walang promo or sale dahil dapat matipid. Hindi porket kakakuha ko kang ng aking sweldo, magiging magastos na ako. Kaylangan magtipid dahil di pa natin alam kung kelan tayo magkakaroon. Wala pa kasing sinabi si sir kung kelan siya tatawag.

Paguwi galing sa grocery.

"May tira pa ko na pera para sa susunod na dalawang buwan.... Mga extrang pagkain... Kumpleto lahat! Nasa budget woooo!"

Yun yung lagi kong ineexpect. Pero yang mga pinagsasabi ko, last year pa nagkatotoo. Nakabugdet ang pera ko para sa tatlong buwan pero isa't kalahati palang halos wala na... Kung suswertihin, dalawang buwan.

Biglang may tumawag na di kilalang numero. Nung una di ko pinansin, pero sunod sunod ang mga tawag. Nakakarindi din ang ringtone ko.

Kaya sinagot ko ang tawag.

"Hi leo"

Ohgahd! Ang ganda ng boses... Mejo pamilyar..

"Uuuuuhhhhm... Hellooo?"

"I'm Catrine. Remember?"

"Ay! Sorry po hahaha paano niyo po nakuha number ko?"

"Wag ka na mag-po! 20 lang ako!"

"Hahahaha magkasing edad lang pala tayo"

"Kala ko nga mas matanda ka sakin eh"

"Grabe ka naman! Paano mo nakuha number ko?"

"Kay tito. Hiningi ko sa kanya."

"Bakit po?"

"Kase magpapatulong sana ako sayo"

"Tulungan saan?"

"Sa pamimili. Pwede ba sayo?"

"O sige po. Wala naman akong ginagawa ngayon eh"

"Kita tayo sa convenient store kung saan ka bumama"

"Sige po aalis na ko"

Ngayon lang siya dumating. Isang oras ako naghintay. Dapat may libre to. Dumiretso kami sa mall. Grabe naman to mamili sa mall pa! Iba talaga pag mayaman. Kung ano ano pinagbibili niya tapos ako yung nagbubuhat.

5hrs later sa isang restaurant.

Sa wakas! Nakaramdam din ng pagod at gutom to. Kaya inaya niya ko sa food court.

"Leo, ano gusto mo? Eto, gusto mo?"

"Cat ang mahal niyan eh"

"Sige lang! Libre ko naman eh"

"Nakakahiya sayo"

"Okay lang yan! Pili ka pa! Kapalit to ng pagtulong mo"

May hiya hiya pakong nalaman. Pero deep inside gustong gusto ko. Nagkukunwari lang ako para sure na ililibre niya ko. Matapos pumili ng kakaiba at mamahaling pagkain, agad kaming umupo at kumain. Wala ng tubig tubig para sakin dahil dagdag bigat lang sa tiyan ko yun na di pa nakakatikim ng mga ganung pagkain.

Matapos kumain

"Hahahay! Sarap buhay! Kahit napagod sa pagbubuhat sulit naman sa libreng pagkain ni cat." Sabi ko sa sarili

"Waiter! Bill please!"

Agad lumapit ang waiter at binigay ang aming bayarin. Inabot ni Catrine ang kanyang credit card.

I'm her cold-hearted dealer, she's my lovely copTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon