Nagkita kami sa napag usapang lugar tulad ng dati. Makikita pa rin sa mukha ni Black ang tensyon sa pagtakas kanina.
"Black! Di mawari mukha mo ah."
"Grabe! 2 ang humabol sakin pagkatapos may naka abang pa sa dinaanan ko. Mabuti nalang may bintana kaya nakalabas ako. Ikaw, mukhang di ka ata nahirapan sa pagtakas"
"Nahirapan din pero di tulad nung mga nakaraan. Isang baguhan lang humabol sa akin. Na assign lang siguro dito sa lugar yun."
"Eto na yung pera. Tatawagan mo kami pagkatapos ng tatlong araw para makapagpahinga ka naman. Mauna na ko may aasikasuhin pa ko sa bahay"
Dala ng pagod, di na ako lumabas ng apartment. Sakto naman ang pagkain ko para sa tatlong araw.
3days later
Normal na umaga para sakin. Gigising, kakain ng almusal. Pero mukang napa sobra ata ang kain ko kahapon. Kaya lumabas ako para bumili.
Sa kalye
Naglalakad ako dadala ang aking biniling tinapay at gatas.
"Wooooo! Sa wakas! Ang haba ng pila sa grocery pero ngayon, makakakain na ko pag-uwi!" Sinasabi sa sarili
At biglang may p*tang*inang tumulak sa akin sa likod! Tumilapon ang aking binili sa kalsada at nagulungan ito.
Hinabol ko si g*go sa sobrang inis. Na-corner ko siya sa isang dead-end malapit sa police station."Di mo ba alam kung gaano kahirap maghintay sa pila sa cashier habang nagtitiis ng gutom!?" Tila di ko makontrol ang inis ko sa lalaki
"Tol! Eto na kunin mo na ito!" Sabay inabot sa akin ang bag
"Bag!? Kakainin ko yan!? Nangtitrip ka ba!?"
(Insert bugbog scene yung di gaano marahas. slight lang)
Kung kelan nageenjoy na ko sa pambubugbog sa kanya, tsaka dumating yung pulis. Magnanakaw pala yung binugbog ko. Hinuli ng pulis yung lalaki at pinasalamatan ako. Sinama ako sa police station para ilahad yung nangyari.
Sa tapat ng police station
Pagkatapos ng mga nangyari, nakasabay ko yung paepal sa pambubugbog ko na pulis palabas ng gate.
"Salamat sir! Nakatulong ka sa paghuli sa lalaking iyon."
Gutom na talaga ako!! Wala na sa wisyo ang utak ko.... Di ko alam kung sino kausap ko basta nakasuot siya ng damit ng pulis... At biglang may napaka-awkward na tunog ang narinig namin sa tiyan ko.
"Mukhang may isang kaso ka pa ata na dapat solusyunan hahahaha! Dahil nakatulong ka naman sa akin, libre na kita!"
Wala na akong masabi. Lutang talaga utak ko. Tsaka gusto ko rin magpalibre kaya tumahimik na lang ako. Kumain kami ng brunch dahil anong oras na rin kasi nun. Nang ako'y nabusog, tumino na sa wakas yung utak ko. Pumunta lang sa banyo yung pulis. Hinihintay ko siya para makapagpasalamat. Pagdating niya ay nagulat ako.
.....
.....
.....
.....
Pinahaba ko lang para mejo madrama yung pagkakasulat. Isang napakabagong twist sa kasaysayan ng mga fiction books. Yung pulis na kasama ko ay si PO1 De Jesus! Di niyo inakala yun noh!?"yare! Di kaya ako namukhaan nito?! Sabagay nakasuot ako ng mask, hood at shades. Walang fingerprints dahil nakagloves ako. Pero yung boses ko kaya?!" Sabi ko sa sarili
"Parang pamilyar boses mo kanina"
Omayghad! Sino ba ang hindi kakabahan sa sitwasyon ko ngayon? Nagkunwari nalang akong hindi ko narinig at baka sakaling hindi na ito mapansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/107212450-288-k44190.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm her cold-hearted dealer, she's my lovely cop
General FictionIto ang storya ni Leo. Pero kilala sa black market bilang si "steel". Isang drug dealer, nagbebenta at nagdedeliver ng pinagbabawal na gamot. Tinututukan ng pulis ngunit wala parin silang alam sa personal na pagkatao niya. At biglang dumating si Cat...