Awkward

6 0 0
                                    


Nagising ako na parang wala lang. Totally wala lang talaga. Bumangon nakalimutan yung gagawin at humiga ulit.
At  napansin ko nagtext si Cat sa akin.

"Good morning Leo :)"

"Good morning din"

"May gagawin ka today?"

"Oo pero mamayang gabi pa naman."

"So free ka mamayang tanghali at hapon?"

"Balak ko sana muna magpahinga at manatili sa apartment."

"Ahh. Kumain ka na?"

"Kakagising ko lang eh"

"Kain ka na :)"

"Mamaya na hahaha!

"Sige papasok pa ko. Mamaya nalang ako magtetext"

"Sige po"

"Kumain ka na! Masama magskip ng breakfast"

"Opo! Pumasok ka na! Mas masama malate sa trabaho"

"Opo papasok na ko. Bye :)"

At di na ko nagreply.

Maganda ata araw nung babaeng yun ah. Ang weird. Paclose siya ng paclose saken. Bat ganun? Hindi maaaring magpatuloy ito. Ako rin mahihirapan sa trabaho lalo na at ganto ang trabaho ko. Kaylangan dumistansya pero paano?

Tanghali

"Hi Leo!"

Nagiisip ako ng irereply na medyo magbibigay ng distansya sa kanya. Kaso parang ansama ko naman kung gagawin ko yun. Pero pulis kase siya! Yari ako nito pagnaging close kami. Bahala na nga!

"Hello Cat!"

"Nasa bahay ka pa rin?"

"Yah, ayokong lumabas talaga as posible eh"

"Bakit naman?"

"Susulitin ko na pahinga bago magtrabaho ulit"

"Saang trabaho?"

Nak ng p*ta! Tekaaaaa! Isip isip!

"Yung sa tito mo. May ipapagawa pa daw siya eh"

"Ano naman papagawa niya?"

"Kase Cat, masyadong malalim naman na ata yung tanong hehe."

"Ay pasensya na! Akala ko pwede mo sa akin  ipagkatiwala"

"Ipagkatiwala yung ano?"

"Yung ibang parte ng personal life mo"

"Grabe ka naman hehe. Di naman ganun ka personal."

Yung feeling na parang kawawa siya dahil di ko sinabi at ako yung magmumukhang masama. Baka may maisip akong paraan para makalusot sa kanya.

"Okay lang naman kung ayaw mo"

"Cat, delivery kase yun"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm her cold-hearted dealer, she's my lovely copTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon