(1)

459 48 27
                                    

(1)

kasalukuyan akong grade 8 student, at meron akong dalawang best friends.

si maria at maria

ang weird no' ?

parehas silang maria, ang pinagkaiba lang.

isa sa kanila ay may second name, yun si donalie.

si maria donalie y. solano , isa sa mga matalik kong kaibigan simula elementary.

samantalang si maria c. pangilinan, seryosong tao at hindi ko inaasahang magiging kaibigan ko siya dahil nung elementary, magkaaway kami.

matatag ang samahang tatlo. sagana sa kulitan, harutan, at tawanan.

ako nga pala si molly, babaeng walang ganap sa buhay  at walang gaanong nakakapansin.

masaya naman ako sa payapa kong buhay, kaso..

naiinggit ako, kase sa aming magkakaibigan, ako nalang yung wala pang nagiging lovelife.

fernwehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon