(2)
alam kong bata pa ko at wala pa sa tamang edad para magkaron ng relasyon pero,
curios talaga ko kung ano bang pakiramdam ng magmahal at mahalin.
kung bakit ang dami daming taong nababaliw dahil sa pagmamahal.
ano bang meron sa pagmamahal na yan ?
masarap ba magmahal ?
anong lasa ?
si donalie, may boyfriend, almost 2 years na sila. ang tatag nga e, kahit maraming hadlang, kinaya nila.
si maria naman, may ka mutual understanding, araw araw silang magkasama at magkatira pa mismo sa iisang bahay, okay naman sana kaso ang problema nga lang, magpinsan sila.
sinusubukan ko namang magka crush e, pero kahit anong gawin ko, wala talaga kong magustuhan. minsan nga napapaisip ako kung tomboy nga ba ko?