(4)
"pinagsasasabi mo? di kita maintindihan!" sigaw ko sa kanya "tsaka di ako maliit! sadyang matangkad ka lang"
"matitirapan ka kaste pag pumunta ta kangilang smreet" aniya.
"ngongo amputa" sambit ko.
halatang nainsulto siya sa sinabi ko kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at nag type.
iniharap niya saken yung screen at binasa kung ano mang naka sulat doon.
[sarado lahat ng tindahan miss, yung supermarket lang yung bukas sa kabilang street.]
tumango ako "alam ko kaya doon nga ako papunta."
naisip ko na yan, sa ganitong panahon lahat ng tindahan sarado pero paniguradong bukas palagi ang mga supermarket.
nagtype siya ulit
ayoko na siyang intindihin, kailangan kong makabalik kaagad samen dahil lumalakas na ang bagyo.
paalis na sana ako nang bigla siyang sumigaw ulit, napalingon naman ako sakanya habang pilit niyang itinuturo yung screen ng cellphone niya.
[kailangan mo pang lumusong sa baha para makarating sa pupuntahan mo.]