(3)
walang pasok dahil may bagyo
kasalukuyang signal 3 ang aming lugar nang bigla akong napagutusan ng aking pinakamamahal na armalite.
"molly!!" tawag ni mama saken "bili ka nga ng mga canned goods, naubusan na tayo ng stock dito"
tumango ako sakanya at inabutan niya ako ng isang libo.
"bumalik ka agad ha? magdala ka nalang ng kapote at payong dahil maulan" sambit niya habang nagaalala.
papunta na sana ako sa kabilang street ng biglang may boses lalake ang nagsalita sa aking likuran.
"talado lahat ng tindahan mist!" sigaw niya habang hinahabol ako.
"ha?" yan nalang ang nasabi ko nang humarap siya saken.
kase seryoso, di ko siya maintindihan!
"talado lahat ng tindahan, pag pumunta ka ng kangilang smreet.." huminga siya ng malalim "kailanganin mo pang lumusong sa baha! mahihirapan ka don sa liit mong yan"