A/N:
Before you read this part, I just want to notify you that I edited some parts on the first chapter. Ginawa kong walang alam si Thana na meron siyang kapatid. Medyo nakalimutan ko kasi ang detail na 'yun at saka ko lang naalala ng matapos ko ang chapter na 'to. Kaya pagpasensyahan niyo na ako hahaha. So yun lang. HAPPY READING ^^VOTE AND COMMENT GUYS.
**************
Blood Vamp III : Lost PrincessThana's Point of View
"You'll be fine, sweety." Mommy said and hugged me.
Wala pang limang minuto simula ng tumawag ako sa kanila ay may lumabas na portal sa aking harapan para sunduin ako ng aking mga magulang.
"Princess..." umupo si Daddy sa tabi ko at niyakap rin ako. "Isipin mo na lang na magkakasama na tayo, buong pamilya."
Huminga lang ako ng malalim at hindi nagsalita. Sa tuwing iisipin ko na hindi na talaga ako makakabalik sa human world ay naiiyak ako.
"Don't worry about your schoolmates. Nagpadala na ako ng mga tauhan ko. All their memories about you will be erased kaya wala ka ng aalalahanin pa." patuloy ni dad.
With his words, I cried.
My 14 years of existence in the human world have gone to waste. Parang naglaro lang ako ng isang game at sa isang iglap ay nag reset itong hindi sinasadya. Mia.... Xander.... and everyone else who knows me.... I don't even exist in their life anymore. Para akong isang bula na bigla na lang pumutok at naglaho sa kanilang mundo without any trace. I died from their world without no one noticing it.
"I want to be alone." Tumayo ako at lumabas ng kastilyo namin.
I'm wearing a cape with a hood in it.
I was just 2 years old when I left this world kaya hindi na ako pamilyar sa mga lugar.
I'm in the Vampire world. Where vampires belong.
If I were to describe this world, only one word comes to my mind, Dark.
This place is full of darkness where the sun doesn't exist. Full of bad vampires. Pure evilness.
The only thing that shines in the sky is the full moon.
In this world, the moon is our sun that never set.
Dark is our light.
And to survive, blood is what keeps us living.
Naglakad lang ako ng naglakad ng hindi alam kung saan ang patutunguhan. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa. I want to have a peace of mind.
Tumigil ako sa harap ng isang malaking puno. Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa isang gubat.
Umupo ako sa ugat ng isang malaking puno at nagpahinga roon. Inalis ko ang hood na nakalagay sa aking ulo.
YOU ARE READING
Vamp University: School of Vampires
VampirgeschichtenWhat if a vampire tries to live a normal life in a normal world. Could it be possible to live? Thana Persephone Bloodtears is a pure blood vampire who lived her 13 years of existence in a world we all know. She was only 2 years old when she start li...