Vamp Blood VI

172 11 2
                                    

Vote and Comment!
*************
Vamp Blood VI : The Past : Love

Thana's Point of View

"Thana,  sweety! Where are you? "

"Princess,  are you here? "

Mahina akong tumatawa habang pinaghahahanap ako ng aking mga magulang.

Nagtatago ako sa loob ng kabinet dito sa loob ng aming kusina.

"Thana! In the count of three at wala ka pa dito, no more barbie dolls!"

Mas lalo akong natawa ng bakas na sa boses ni Mama ang pagkairita.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng tunog ng mga paa at alam kong papunta iyon kung nasaan ako ngayon.

I snap my fingers at napunta sa lugar kung ituri ko ay playground.

Dark Forest.

Nakatayo ako sa mataas na sanga ng isang puno.

The dark forest is no ones property, kaya delikado ito. Lalo na sa mga batang tulad ko. But it never stopped me sa pagpunta ko rito.

Maraming mababangis at nakakatakot na nilalang sa loob ng gubat na ito pero wala na sigurong mas nakakatakot pa kay Lord Gregory Deathknight, ang nangunguna sa bloody chain.

I jumped from trees to trees. Masaya talagang maglaro dito at napakatahimik.

Madalas akong lumabas sa teritoryo ng mga Bloodtears. Ang boring kasi at wala akong makalaro. Lahat ng mga tao ay abala at wala akong kilalang mga pinsan at kamag anak ko sapagkat lagi akong kinukulong ng mga magulang ko sa kastilyo at pinagbabawalang makipagkaibigan kahit kanino.

Kaya isang beses kong sinubukang tumakas at lumabas ng kastilyo at natagpuan ang lugar na ito, ang dark forest.

"Uwaaaaahh huhuhuhu...."

Naningkit ang aking mga mata ng may marinig na batang umiiyak.

"Hindi lang pala ako ang bampira dito." ngumisi ako sa aking sinabi.

Sinundan ko ang ingay kung saan man ito nanggagaling. Palakas ng palakas ang tunog at hudyat iyon na malapit na ako.

Napatigil ako sa pagtalon ng makaramdam ng kakaibang presensya.

It's him again...

Iginala ko ang aking paningin ngunit hindi ko siya makita.

Sa t'wing pupunta ako rito ay lagi kong nararamdaman ang kaniyang presensya ngunit hindi ko madetect kung saang angkan siya galing.

Siguro ito ay sobrang lakas kaya nagagawan niyang itago ang amoy ng kanilang dugo.

Hindi ko na lamang ulit siya pinansin. Wala naman siyang masamang ginagawa sa akin at tiyak ay sinusundan at pinapanood lang niya ako. Kung bakit? Ay hindi ko na alam.

Nagtatalon na naman ako sa mga puno hanggang sa makakita ako ng batang lalaking umiiyak at napapalibutan ng mga itim at naglalakihang lobo.

Bakit siya umiiyak? Bakla ba siya?

Natawa na lamang ako ng maisip ko iyon. Mga lobo lamang iyon at malimit akong makipaglaro sa kanila.

Larong patayan na ako lagi ang nagwawagi.

Tumalon ako patungo sa kinatatayuan ng batang lalaki.

"Bata, ayos ka lang?" sa tingin ko ay magkasing edad lamang kami.

Vamp University: School of Vampires Where stories live. Discover now