Vamp Blood IX : My Prince
Thana's Point of View
"We're here today to train your familiar."
Nasa open field kami ngayon. Matuwid lang akong nakatayo habang pinapakinggan si Sir Theron.
"But before that, kailangan muna niyong ipaalam sa inyong familiar na kayo ang amo niya para mapasunod sila. It won't be easy pero magagawan niyo rin iyan because there is a bond that ties between the master and its familiar . It will take a week or two."
Wala pa nga akong familiar eh! Haaays... Walang nakabond sa akin... Just Zen.
I shrug my head ng biglang maisip iyon kasabay ang pamumula ng aking mga pisngi.
"After the familiar recognizes their master, I will pair you all. Kakalabanin niyo ang isa't isa kung sino man ang makakapartner niyo..."
"But remember, don't be too easy. May nakahanda akong prize sa kung sino man ang mga mananalo. You may now start summoning your familiars."
Nagsialisan sa harap ni Sir Theron ang mga kaklase ko at naghanap ng kanikanilang pwesto kung saan nila ite-train ang kanilang familiar.
"En la nomo de Satano, Mi nun, Mist Nightfang, nomita alvoki mian familiara veni reen al vi!"
Ngumuso ako habang pinapanood ang iba kong kaklase na pinapalabas ang kanilang familiars.
"Woohooo!"
Tumingin ako sa isang kaklase kong lalaki na nakasakay sa isang nagwawalang lion na may walong talampakang laki na mabilis na tumatakbo. Para lang siyang nangangabayo.
Nabaling naman ang tingin ko kay Mist na pilit inaalis ang pagkakapulupot ng Anaconda sa kaniyang katawan.
Iginala ko pa ang paningin ko... It is all a mess... Lahat ay nagkakagulo... Hindi nila macontrol ang kanilang mga familiar. Maliban na lang sa apat na lalaking nasa may magkabilang gilid ko na maamong sumusunod sa kanila ang kanilang mga dragon.
Si Haven ay yakap yakap ang leeg ng kulay asul niyang dragon habang hinahalikan ito.
While Zen is riding his white dragon while patting its head.
Tumingin naman ako sa bandang kanan ko and saw Lucifer na nakatayo and as usual ay nagbabasa ng libro habang ang kulay abo niyang dragon ay inaamoy ang kaniyang buhok.
Habang si Ace naman ay nakasakay sa likod ng kulay pula niyang dragon at pinalipad iyon.
Tumingala ako para sundan siya ng tingin...
Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila. I'm one of the heir but I still don't have my familiar...
Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan ng biglang may kumalabit sa akin.
"Zen?" ngumiti siya sa akin at hindi ko maipagkakaila na mas lalo siyang gumagwapo sa tuwing ngumingiti siya... lalo na kapag ako ang dahilan. "B-Bakit?" nauutal kong tanong.
YOU ARE READING
Vamp University: School of Vampires
VampireWhat if a vampire tries to live a normal life in a normal world. Could it be possible to live? Thana Persephone Bloodtears is a pure blood vampire who lived her 13 years of existence in a world we all know. She was only 2 years old when she start li...