Chapter 1 "The Ending is Just the Beginning"

144 3 1
                                    

Chapter 1

"The Ending Is Just the Beginning"

[Curtis' POV]

"Say Cheese! 1, 2, 3!"  ani ng teacher namin sa Bio.

"Yes naman! Naka graduate rin tayo no?"  ani ni Ginna. Isa sa mga lab classmates ko.

"Oo nga eh. Tagdiwang tayo haha." ani ko.

"Sha nga pala. Mamaya ha. Punta ka sa'min. Magpaparty ako." ani niya.

"Pero bawal a-" 

Pero, pinutol niya yung mga sasabihin ko. "Sus. Nakagraduate na tayo at lahat, KJ ka pa rin?"

"Wala kang pakielam dun haha. Sha. Oo na. Sige na. Pupunta na." ani ko.

"Yehey! Power hug tayo jan!" at niyakap niya ako pero hindi ko siya niyakap pabalik. Papaano baga naman, ang O.A. Parang mamatay na ako at eto na ang huli naming pagkikita.

"Oo na. Bitaw na. Haha." 

Umuwi na rin ako pagkatapos ng graduation ceremony. Paano baga naman, puro nag se-selfie ang mga batchmates ko. Duck lips dito. Pacute dito. Labas dila dito tapos mapupuno nanaman ang newsfeed ko sa facebook. Maglalabasan nanaman yung mga pictures nila tapos puro hashtag pa. #Donewithmyhighschoolchapter etc. hayop. Hindi pa nakuntento. May quotes pa. Minsan, hindi nga konektado ang quote sa picture eh. *Sigh* 

Ako nga pala si Curtis Jean Torres. Babae po ako. Sana naman po halata. Haha. Kakagraduate ko lang ng 4th year high school sa Libra Abrita Academy at planong pumasok sa University of Atlanta (UA). May kamahalan ang tuition fee pero maganda naman yung edukasyon dun. Grabe din ang mga facilities pero ang O.A. Mag-aaral lang naman kami pero may kusang nagbubukas ng glass door dun kapag papasok ka sa mismong building. May elevator, may escalator. May malaking library, may malaking clinic para sa mga taong ayaw umattend ng klase nila na magdadahilan na masakit raw ang tiyan nila o di kaya ulo. Plano ko ng palang maging doktor. Bakit? Kasi malaki ang kita. Wala naman akong pakielam kung ano ang magiging hilig ko. Basta, may maganda akong kinabukasan, yun na yun.

-

"O, bakit late ka? Ikaw pa naman ang inaabangan namin dito." ani ni Ginna.

"Paano baga naman, first time siyang aattend ng party!" ani ni Rovin. Batchmate ko.

"Yuh like, super baduy mo naman. How can you make kulong to your bahay without making saya diba?" ani ni Gelay. Conyo. Halata naman diba?

"I'm not a fan of parties." ani ko.

"Well, this is your first time! Grab a drink then dance your booty out till you drop!" ani ni Ginna.

Dahil first time nga naman, edi gagawin ko. Nasa legal age nanaman ako para uminom pero hindi ako sasayaw. Malaswa. Mga taong pokpok lang at gustong mabuntis ng maaga ang gagawa nun. Pumunta na ako dun sa parang table na stock ng mga beers and vodka. I would prefer to drink wine pero wala. 

Uupo na lang ako ng couch kasi parami ng parami ang mga tao. tinakpan ko na lang ang tenga ko. Ang ingay kasi. 

"Wine, Curtis?"  tumingala ako sa aking pagkakayuko. Si Oliver pala.

"O, paano mo nalaman na wine ang hanap ko?" ani ko.

"Ikaw pa. Hindi ko lang alam kung conservative o maarte ka." ani niya.

When Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon