Chapter 2
"Not So Ordinary Day"
[Curtis' POV]
Nandito na ako sa campus. Yes, pasok na ako sa UA. First day palang kasi ng submission of requirements ay pumunta na ako agad para walang hassle. Madali lang ang interview. I believe I'm starting college really great.
Ang laki pala talaga ng campus dito. Hindi siya mukhang school eh. Mas mukha siyang pinalaking White House. Akala ko, ako lang ang papasok dito na galing sa Libra Abrita. Andami rin pala namin. Si Ginna, si Oliver, at si Gelay rin pala.
*RING RING~*
"Oh, napatawag ka?" ani ko.
"Nasaan ka na Curtis? Nandito na kami nila Ginna at Gelay. Ikaw na lang ang hinihintay." Sagot ni Oliver sa akin through phone. Huh? Bakit nila ako aantayin? Close ba kami?
"A-ahh. Sige sige. Nasaan ba kayo?"
"Nasa may canteen kami. Ikaw, tapos na ba klase mo?"
"Hindi pa. Pati, dalawang course ang kinukuha ko. Baka hindi na ako makakain. Kailangang ko pang maghabol sa iba pang perio."
"Ano ka ba Curtis. Walang mapupuntahan 'yang pagkuha mo ng dalawang course. Sinong estudyante ba ang nakita mong kumuha ng dalawang course? Kung meron man, isa isa lang muna. HINDI PINAGSASABAY! AY NAKO. NAINIT ULO KO SAYO." Huh? Ano problema nun? Hindi naman siya yung nakuha ng dalawang course ah. Kung makaasta..
"Sige pero-"
"ANONG PERO? NGAYON NA!" at, binabaan na ako ng phone. Hay nako. Ano bang kailangan ng mga 'to sa'kin?
Pagbibigyan ko na lang... Baka may importanteng sasabihin.
-
Anlaki ng canteen. May aircon pa. Buti hindi nangangamoy yung mga pagkain. Sa saborang laki, hindi ko alam kung nasaan sila.
"Curtis! Dito! Dito!" nakita ko na sila. Nakita ko na kumakaway sila sa'kin. Dumiretso ako sa kanila ng biglang...
*BLAG*
Oo, may nakabangga sa'kin. Nananakbo eh.
"Ay, sorry" ani nung nakabangga sa'kin.
"Hindi, okay lang."
Tinitigan ako ng nakabunggo sa'kin. May dumi ba ako sa mukha?
"Teka, ikaw yung nakabungguan ko nung submission of reqs ah. IKAW YUNG MAY KASALANAN BA'T AKO NADELAY AT HINDI NATANGGAP NUNG ARAW NA 'YUN!" lalaki ba talaga 'to? Kung makasigaw ah.
"Huh? Eh, ngayon lang naman kita nakita dito. Akala mo lang siguro na ako 'yun." Teka, ano bang pinagsasasabi nito?
"Well,well,well. Nagkita nanaman tayo. Talagang gusto tayo ng tadhana ah." ani niya.
"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."
"Sige, magmaang-maangan ka pa. Mukha kang timang." ani niya.
"Ay bahala ka na nga." ani ko at nilayuan ko na siya. Dumiretso na ako papunta sa table nila Oliver. Hindi ko na rin siya nilingon.
"Oh, anong problema?" halos mga nakanganga sila sa'kin.
"That's the reason why we're looking for you Curtis." ani ni Oliver.
BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide
RomanceThere are people who have ordinary lives and there are people who live in the world of luxury. Their states doesn't define them but they are define in the school and organization they are in. What will happen when two different worlds collide? [ON...