Chapter 3 "His Point of View"

55 1 0
                                    

Chapter 3

His Point of View

A/N: Same day lang po ito ng Chapter two. 

[Roger's POV]

Hi guys. I'm not in the mood today. Since nakabungguan ko yung babaeng 'yun, nabadtrip ako. Nakakawala sa mood tapos pasukan pa. Sana talaga, hindi ko makita 'yun. Wala siyang galang. May nananatili pa rin namang pagka-gentle sa'kin pero ang kapal lang talaga ng mukha nun eh. Nakita ko pa lang yung pagmumukha niya, halata nang demonyo. Ang arte arte pa. Ang sarap niyang ibato. -___-

Nandito na nga pala ako sa campus. Wala akong nakikitang dati kong kabatch. Hindi pa rin ako nakakapasok ng klase kasi late ako. Plano ko na lang pumasok after break. Habang naglalakad ako...

*WOOP* 

"Shems! Ninakawan si pogi!"

"Oh no! Kuya pogi, you make habol to him!" 

"Ang desperado naman nung guy at nagnakaw pa sa ganitong public area" 

at iba iba pang sigawan ng mga babae dahil oo, ninakawan nga ako ng back pack. Ang pangit ng sound effects no? Okay lang... Phone lang naman ang laman nun... WAHT! YUNG PHONE KO! P*TA! HARD TALAGA NG BUHAY NA TO! OO! 

Hinabol ko nang hinabol yung magnanakaw..

nang hinabol..

nang hinabol..

nang hinabol..

*BLAG*

"Ay, sorry." Napahawak ako sa ulo ko. Takte. Ayan nanaman 'yang bungguan na 'yan nakakaasar na. 

"Hindi. Okay lang." Pamilyar yung boses. Siya na nga ba 'yun?

Napatitig ako para siguraduhing siya nga. Aba, sa laki ng mundong ito, dito pa kami nagkita. Nahanap ko na rin siya sa wakas. Ang tagal kong inintay 'tong pagkakataon na 'to tapos dito lang kita makikita, Curtis.

Tinaasan niya ako ng kilay... Ay p*ta! Kanina pa ako nakatitig. takte, isip ng palusot! isip bili! ba't ayaw mong gumana?!

"Teka, ikaw yung nakabungguan ko nung submission of reqs ah. IKAW YUNG MAY KASALANAN BA'T AKO NADELAY AT HINDI NATANGGAP NUNG ARAW NA 'YUN!" takte. Ano? Way to go Roger. Ba't mo nabanggit yun? Kinakalimutan mo na nga yun diba kasi gusto mo nang patayin? t*ng ina.

"Huh? Eh, ngayon lang naman kita nakita dito. Akala mo lang siguro na ako 'yun." ani niya. Ang ganda talaga ng boses niya...

Paano ba 'to, iiwan ko na lang ba 'to o papanindigan ko yung mga pinagsasasabi ko ngayon para humaba ang conversation namin? Bahala na nga si Kapitan Yolo... 

"Well,well,well. Nagkita nanaman tayo. Talagang gusto tayo ng tadhana ah." chill, Roger. Chill lang. Nawawala yung pogi vibes mo... Pero oo, pinagtagpo nanaman tayo ng tadhana... pero bakit? nagsawa na ako sa mukha mo sa panaginip ko... pagkatapos ng ilang taong pananatili mo sa isip at puso ko...

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."  Oo alam kong wala kang alam. Lalo na sa nararamdaman ko...

"Sige, magmaang-maangan ka pa. Mukha kang timang."  the f*ck Roger, ano bang pinagsasasabi mo? Nasaan na yung mga the moves mo huh? Takte. Nakikipag-usap ako sa sarili ko.

"Ay bahala ka na nga." at nag walk out siya... 

Shet. Kung ano ano na lang ang nalabas sa walang kwenta kong bibig. Tsk. Pero okay lang. Ang ganda naman ng simula ng araw ko eh. :)

When Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon