Chapter 4 "Classification"

97 1 1
                                    

Chapter 4

Classification 

[Curtis' POV] 

Pagkatapos ng dalawang araw nung naganap yung insidenteng yun, hindi ko na nakita yung lalaking 'yun. Ang laki pati nitong building na ito para kami magkatagpo.

"Hey Curtis! Dito." ani ni Oliver. lumapit naman ako sa kanila.

"Hi Curtis." ani ni Ginna. Tiningnan ko lang siya. Wala. Nag hi lang siya tapos tinalikuran niya ulit ako. Nakakapagtaka. Nung high school naman kami, hindi naman siya ganito. May nagawa kaya ako sa kanyang masama?

Wala. Nagkwentuhan sila nang nagkwentuhan habang ako OP.  Nakaupo lang ako katabi ni Oliver.

"Ba't ang tahimik mo?" sabi sa'kin ni Oliver.

"Ha?" 

"Iba kasi aura mo eh. You know, para kang may kinikimkim." ani ni Oliver.

Ngumiti na lang ako.

*WEEWOOWEEWOO* tunog ng parang microphone na nasa gilid gilid ng rooms.

Natahimik ang lahat dahil first time tumunog yun.

"Announcement. Announcement. Students of UA will take another exam for classification. That's all." 

Haa? Anong classification? Kinakabahan ako na ewan. Ano pang kailangang i-classify? may kanya-kanyang course nanaman kami. May bawat rooms nanaman kami. May subjects na kami. Okay na.

"Ano kayang aaralin natin sa classification na 'yan?" ani ni Oliver.

"Malay ko. Kinakabahan nga ako eh." pag-amin ko.

-

May announcement ulit. Pinapapunta naman kami ngayon sa gymnasium namin.

"Hala. Wala pa tayong naaaral. Bakit agad agad?" naririnig kong bulungan ng mga estudyante papuntang gymnasium.

Actually, siksikan kami papunta dun. Hindi nanaman kami high school students para magkaroon kami ng pila, diba?

"Finals ba 'to? ibang klase ah." 

"Like OMG, may isang malaking platform sa may stage." dahil sa narinig ko, napatingin rin naman ako sa stage at oo nga. May kakaibang platform na parang high-tech.

Dahil nga walang pila, humarap na lang kami sa stage.

"Students of UA, please be quiet. Students of UA, please be quiet." imik ng principal ata.

Nagkaroon naman ng awkward silence sa buong gymnasium. May tension kumbaga.

"Good Morning students of University of Atlanta. I welcome you to this campus where education was born to be excellent but to this extent, no students shall become normal because as you all know, ang UA naman ay hindi normal na paaralan diba?" Tahimik ang lahat na nakikinig sa principal. May tension pa rin sa kabuuang gymnasium. "Kung sa tingin niyo ay makakagraduate agad kayo at magkakaroon ng magandang trabaho, nagkakamali kayo. You will be classified into 5 groups using this platform." turo niya duon sa platform na parang may hologram. "Ang pinakamataas na group ay ang 'Jeebu.' Jeebu the ruler. Next group ay ang 'Jinta.' Jinta the follower. 'Jeon' Jeon the invincible. 'Jiltan' the spy at lastly, 'Jimpan' the intruder." 

Sa mga naririnig ko galing sa bibig ng aming principal, wala akong naintindihan.

"You, yes you. Come here on the stage." turo ng principal namin sa isa sa mga estudyante dun sa medyo unahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Two Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon