[CONTINUATION]

939 35 3
                                    

Sam's Pov

At ayun nga, hanggang ngayon naglalakad pa rin kami. Siya, pagod na. Ako hindi pa. Pano? Daily routine ko 'to eh, ang maglakad hehe.

"Sam, i'm really tired. Really really tired"

Halata mong pagod na siya kasi tagaktak na yung pawis niya eh. Pero kahit ganun, ang HOT HOT niya pa rin. Ay anu ba yan Sam! Anong iniisip mo? Tsk. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Hey"
"Ah? Hehe pagod ka na? Maglakad pa tayo!"
I said happily.

"What?! Pinapahirapan mo ba talaga ako?"

Nice nagtagalog din hehe. Yun lang naman hinihintay ko eh.

"Hindi no! Bakit naman kita papahirapan?"

Oo! Pinapahirapan kita! Kulang pa yan sa mga ginawa mo noon sa'kin. Hmp magdusa ka!

"Nothing. Ok let's continue walking"

Tinapik niya ako sa balikat at ngumiti.

"K-kelan ka pa bumalik?"
"Ahm. A week ago. Hinahanap nga kita eh"
"S-san naman?"

Hays. Bakit ba nauutal ako? Tsk.

"Sa school na pinagplanuhan nating mag-aral. Hindi ka pala dun nag-enroll, san mo ba napiling mag-aral?"

Oo, hindi ako dun nag-enroll kasi tayong dalawa yung nagplano nun. Lalo lang kitang maaalala kung dun ako mag-eenroll. Naiisip niya bang mga sinasabi niya? Psh.

"Sa CHARM academy ako nag-enroll"
Halata kong nagulat siya.
"Ah o-okay. Pupuntahan kita minsan dun para sunduin"
Ngumiti siya. Wag mo nga akong nginingitian! Kainis to! Nawawala lahat ng laman ng isip ko pag ngumingiti ka eh!
"Sige"

At naglakad ulit kami. Malayo kasi ang village namin. Siguro 15 minutes away pag nakasakay ka ng kotse at 45 minutes naman pag nilakad. Ang layo di ba? Kaya hindi ako tumataba. Nang makarating kami sa bahay. Nagdahan-dahan muna kami pumasok. Baka kasi may tao eh. Ang sabi ko kasi kay mama, may gagawin kaming project ng classmate ko kahit wala naman talaga.

"Huy! Para ka namang nag-i-spy to your own house"

Nagulat naman ako sa kanya!

"Ay Palaka! Bakit ka ba sumunod dito?! Di ba sabi ko sayo dun ka lang sa labas?"
"Naiinip na kasi ako dun eh. And I saw your mom entering"
"WHAT?! Bakit 'di mo agad sinabi?!"
Magsasalita sana siya pero..

"Samantha, ang aga mo naman umuwi? Sabi ni Lauren wala ka daw sa bahay nila? San ka nagpunta?"
"Ah eh.. Nakauwi na po pala kayo, Ma?"
"Oo, at sino naman 'tong kasama mo? Gwapo ah?"
"Tita, si Stephen po ako"

At ngumiti siya ng nakakabaliw. Ikaw na Stephen!! Ikaw na!!

"Ah-eh.. Ma"
"Ah si Stephen pala ito! Kagwapong bata! Ang gwapo mo! Mas lalo kang gumwapo kesa dati! Buti naalala mo pa kami?"

Parang hindi na mapakali si Mama. Parang may bulateng kumikiliti sa kanya! Mas kinikilig pa kesa sakin eh!

"Opo naman, Tita. Alam niyo naman.. Si Sa---"

Tinulak ko na si Stephen baka kung ano pang masabi ng manlolokong 'to eh.

"Ah Ma, aalis na po siya hehe"
"So soon? Tara magmeryenda muna tayo. May iluluto akong ginataang bilo-bilo"
"Ah hin---"

He cuts me off grr >.<

"Sige po, Tita. I'm hungry na rin po eh. Ang layo po kasi ng nilakad namin ni Sam"

Nag evil smile siya. Anong balak neto? Tsk. Ang hirap hulaan!

"Ha? Ano? Bakit naman pinalakad mo si Stephen,Sam? Pwede mo naman siya ilibre para magcommute. Hay naku ikaw talagang babae ka! Pinahirapan mo si Stephen"
"Pero Ma----"
"Ang sama mo. Anak ba talaga kita?"

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now