CHAPTER 5: ACCIDENTALLY MEET UP

862 27 1
                                    

Sam's Pov

*DISMISSAL*

Naglalakad kami ngayon sa hallway. Nakakapagod mag aral.

"Gutom na ako, libre mo nga ako"
"Okay. Let's hurry! I've got something to show you"
"Mabubusog ba ako dyan?"
"Yeah. Yayain ka lang naman ni Ryan mag dinner"
"R-really?"

Pero syempre imagination ko lang yun. Impossible namang yayain ako ni Ryan na mag dinner. Napakaimposible nun. Pero hoping..

"Huy. Let's go?"
"O-okay"

Nalungkot naman ako sa katotohanan na yun. Hays, Ryan bakit ba ang hirap mong tanggalin sa isip ko? Kahit na si Stephen ang kasama ko ngayon ikaw pa rin naiisip ko. Kahit na hindi mo ko pinapansin. Ewan ko ba kung bakit ganto puso ko. Nakakainis. Ryan, hindi mo ba ako mapapansin kahit konti lang talaga? Kahit tuldok lang sa notebook ko, kahit ngitian mo lang ako kada umaga, baon ko na yun hanggang uwian.

"Huy, kanina ka pa wala sa usual self mo ah. May problema ba?"

Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa Mall. Ano ba kasing naiisip ko? Hays.

"W-wala hehe. Tara pasok na tayo"

Pumasok na kami sa loob ng mall. Nag gala-gala muna. Pinaglaruan pa ni Stephen yung elevator! Hilong hilo ako, nagsuka tuloy ako. Baliw talaga.

"Sorry, Sam. I didn't know na mahihiluhin ka pala" halata mong nag aalala siya. Hindi siya mapakali eh. Kasalanan mo to eh.
"Okay lang yun. Nag enjoy naman ako eh"

Pagkatapos ng pagsusuka ko. Umakyat naman kami sa 3rd floor at may nakita akong pamilyar na mukha.

"Leslie" bulong ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. May hinahanap siya. Si Ryan kaya yun? Nung nakita kong napatingin siya sakin, umiwas ako ng tingin. Hinila ko na si Stephen pababa. Ayaw pa magpahila! Kainis naman to!

"Tara dun tayo!" Turo ko sa arcade.
"Teka! Bakit ka nagmamadali? May humahabol ba sayo?" He said in confusion.
"W-wala naman! Basta! Dali! Tara na!"

Bibitawan ko sana si Stephen at tatakbo pero napatigil ako. Bigla kasing humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Pano na to? Siguradong nakita niya ako!

"Is that Leslie?" Tinuro niya yun gamit ang nguso niya.
"A-ah. O-oo nga! Tara na! Bilis!"
"She's walking towards us"
Hay nako! Patay na! Kasi naman si Stephen, ayaw magpahila.

"Hey"
Patay! Nakalapit na nga. Pano ba to?
"Hi, Stephen" sabi ni Leslie
"Ah..Sam" pagsabi nun ni Stephen lumingon agad ako.
"H-hi"
"Sam" bulong niya.
"Leslie"
"Pwede ba tayong mag-usap?" Usap na naman? Tapos ano? Masasaktan na naman ako. Kailangan ko umisip ng paraan to get away from here.

"Sure"

Wait? Did I just say sure? Seriously?! Hindi naman yun yung gusto kong sabihin eh! Kainis na bibig to! Kung ano anong nalabas.

At dahil nga sa umoo ako, pumunta kami sa foodcourt. Pinabili ko muna si Stephen ng makakain at para na rin hindi niya marinig yung pag uusapan namin.

"So, tungkol saan ang pag uusapan natin?"
"Ahm. Sam, hayaan mo muna akong magsalita. Tungkol to kay Ryan"
"Ah tungkol sa kanya? Kayo na?" Ang sakit. Naiiyak ako huhu.
"N-no. Ahm kasi Sam, hindi ko talaga gusto si Ryan.."
"Pero bakit ka pumayag na magpaligaw?" Eto na ang chance ko para matanong ko ang lahat sa kanya.
"Hindi ako pumayag na magpaligaw. Sam, alam mo naman na hate na hate ko siya di ba?"
"Pero di ba may kasabihan na 'The more you hate, the more you love'?"
"Pero Sam, hindi ganun eh. Alam ko naman na crush na crush mo yun. At saka wala akong balak na agawan ka... We're Bestfriend, right?"

The Charm AcademyWhere stories live. Discover now