Ikatlong parte.
Sa kabila ng kabaitang pinapakita sa akin ni Mikael, ay hindi pa rin nito na pigilan ang aking balak na pagpapahiwalay sa kanilang dalawa. Sa paglipas nang mga linggo ng aking mas higit na pagsimbuyo sa kanilang paghihiwalay ay utay-utay na ngang nagkakaroon ng tiyansa ng paghihiwalay.
Lumapit ako kay Shanaia at aming pinaghatian ang init ng kanyang damdamin, dumapyo ang aking labi sa kanyang labi hanggang magpang-abot ako sa kanyang leeg. Dahan-dahan kaming humihiga patungo sa kama sa loob ng silid-tulugan nilang mag-asawa. Nagtanggal ang bawat isa ng kasuotan at nagpatuloy na kami sa paglalaro sa alab ng kanyang kapusukan.
Tumutulo ang pawis sa aking likuran at rumaragasa din ang mga pawis sa aking noo patungo sa aking mukha at leeg kasabay ng pagkawala ng mga tunog ng mga pag-ungol naming dalawa at paggayod ng kama sa kahoy na sahig maging sa sementadong pader ng kwarto.
Walang pakialam ang bawat isa sa amin kahit ano pa man ang maganap sa oras na kami ay pag-abutan ni Mikael, o kaya kung siya man ay magdalang-tao. Basta ang alam ko, ako ay masaya kung mapapasa-akin ang hinahangad ko.
Natapos na ang aming ginawang kamaliang nagsukli nang panandaliang kaligayahan. Tumayo ako habang pinupunasan ang pawisan kong katawan at nagsuot na ng aking kasuotang pang-ibaba.
“Hindi na ako nakikipagtalik sa kanya,” pagmamalaking tinuran ni Shanaia habang nakaupo sa katre at nababalutan ng kumot ang kanyang buong katawan, “halos apat na buwan na.”
“Talaga?” paninigurado ko habang isinusuot ko ang aking damit pang-itaas, “Edi masaya.”
Sa ilalim ng munting kahel na bumbilya na nagbibigay nang mataimtim na liwanag sa madilim na silid ay muli ko siyang nilapitan at hinalikan ng labas sa katotohan at sa gayon ako ay lumisan na dala ang malaking kasiguraduhan ng kanilang pagdidiborsyo.
Bakas sa bawat yapak ng aking paa sa mga latag ng aspalto patungo sa tawiran ang mga mapanlinlang na anino ng aking ngiti na nagbibigay panibugho sa aking kinakalantari. Umilaw na ang luntiang ilaw sa poste ng tamang bagtas na tila sumisigaw ng pagsulong sa mga ginagawa kong kasiraan.
Napagtantuan ko na ang bawat tao na naglalakad at tumitigil sa tabi ko, gayundin ang mga sasakyang patungong kanan at kaliwa ay dahan-dahang tumitigil na parang segundong hindi lumilipas ay dulot ng kanyang mga tingin mula sa kabilang parang ng daanan. Mga tingin na walang depenisyon ngunit mga titig na may nais ipahiwatg sa akin.
Sa pagbukas nang pulang tinghoy sa may dakong kanan sa itaas, hakbang-hakbang ang paggalaw ng mga biyas ni Mikael patungo sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung paano o maiyayapak ang aking mga paa sa landas patungo sa bahay, kung ang taong aking winawasak ay siyang nasa aking harapan na.
“Uwi ka na? laro muna tayo ng basketbol?” pagyaya ni Mikael sa akin.
Pagdampi ng mga paa ko sa basketbolan ay biglang bumukas ang mga ilaw na tatanglaw sa kadilimang sumasakop sa aking pagtingin. Nalilito pa din ako at nakukonsensyang ipakita ang aking pagmumukha sa kanya. Habang ang aking gunita ay nananatili sa kabanaagan katulad ng aking katawan na hindi makakilos.
Ako ay napaharap sa taong tumawag sa aking pangalan – si Mikael, papalapit na tinatanggal ang kanyang kamiseta at niyaya na niya akong maglaro ng basketbol.
Wala ni isa sa amin ang nais na magpatalo sa aming laro, kanya-kanyang agaw ng bola sa bawat isang mga kamay, mga padyak ng paa ang ginagawa sa isa’t-isa at tsaka sari-sariling hagis ng bola upang makamit ang simpleng puntos na aming ikawawagi. Naubos na ang hangin na aking hinihinga at pawis na aking inilalabas ngunit siya ay patuloy pa din na lumalaban.
Napahiga na lamang ako sa gitna ng pulang tintang guhit na bilog sa sahig ng palaruan at nananatiling nakatingin sa kanyang huling pagtudla sa bola, napangiti na lamang ako at tinanggap ang pagkatalo dulot na walang kupas niyang husay sa paglalaro.
Tumingala ako sa langit at tinignan ang mga talang kumikinang nang bigla niyang tinabi ang hubad niyang katawan sa akin, “Nakakatuwa ‘di ba?”
“Oo, matagal na din nung huli tayo naglaro. Nakakamiss ka pala talaga.”
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, tanging tunog ng hangin na umiihip at mga sipol ng mga insekto lamang ang nangingibabaw sa aming dalawa. Walang nais sundan ang huli kong linya, walang nais sumira sa kapayapaang hatid ng katahimikan.
Sa paglipas nang ilang sandali ay narinig ko ang mailang-ilang tunog na nagpaparinig ng kalungkutan at pagdurusa.
“Bakit ka ba bumalik?” tanong niya.
Isang tanong na alam ng aking isipan ang kasagutan ngunit hindi batid ng aking bibig kung paano nararapat itong bigyang pagtugon. Tumitig na lamang ako ng may maliit na agwa ng kirot at dalamhati sa kanyang mukhang nakatingala sa buwan na natatakpan ng mga ulap katulad ng pagkakaibigang natakpan na ng mga kulay na kailanman ay hindi ko maipipinta.
Sabay sa ritmo ng kuliglig ang bawat kumpas ng tibok ng aking puso sa kaba higit pa lalo ng biglang dumako ang maamong niyang mukha paharap sa akin. Nagkasalubong ang aming mga mata na maski isa ay walang nagnais umalis sa sandaling kumprontasyong ito.
“Alam kong hindi siya ang habol mo sa iyong muling pagdating,” daing niya kontra sa lamikmik ng kalikasan, “huwag mo na siyang idamay, mahal ko ang asawa ko yun lang ang masasabi ko.”
Lalong nag-ingay ang kimbot ng aking damdamin sa aking mga narinig mula sa kanya, nalaglag ang aking panga sa pagkabigla sa kanyang mga binitawang salita na gumiba sa aking nararamdaman.
Tumayo na siya mula sa kanyang pakakahiga at dinampot ang kamiseta saka sinabit sa kanyang balikat at tuluyan ng tumalikod papalayo sa aking kinalalagyan. Iniwan niya akong balisa at hindi makapagsalita dahil sa tuluyang pagkasira ng aking mga hangarin sa buhay.
Nanatili pa din akong nakahiga nang tuluyan ng namatay ang mga ilaw na sumisinag sa aking mga mata kamakailan lamang ngunit nanatili pa din buo at puro sa aking balintataw ang mukha niyang pinuno ng mga hinagpis at sakit dulot ng karimlang bumalot sa puso niyang tanaw hanggang sa kalooban ng kanyang mga salita.
BINABASA MO ANG
Sintang Hanggang Dapit Hapon (Maikling kwento)
Short StoryPara sa mga mahihilig sa old formula of writing na nakaugaliang ilagay sa mga textbook sa Filipino simula high school hanggang kolehiyo. ito ay sulatin ng isang beginner lamang, wag ihalintulad sa mga may Palanca Awards na. Okay. Proyekto ko toh sa...