Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Simula

358K 8K 4.2K
                                    

Simula

Hindi ko malaman ang gagawin dahil sa hindi inaasahang pagsakit ng aking binti. I tried to stretch my leg again, hoping the pain would stop.

Hindi pwedeng magpatuloy ang pagsakit dahil mayroon kaming game ngayon. Ako ang inaasahang blocker dahil ako ang matangkad sa kanila. Si Alysa kasi ay injured at bawal pang maglaro pansamantala.

"Come here, come here!" sigaw ni coach.

Huminga ako nang malalim at tumayo sa pagkakaupo mula sa semento para lumapit kay coach. Inayos ko ang mga takas na buhok, tying my hair up, and fixed my jersey.

Muli kong naramdaman ang pagkirot ng binti ko sa puntong napahawak ako sa likuran ni Glenda. Nag-umpisa si coach magpaliwanag ng play, at habang nakikinig ay marahan kong minamasahe ang aking tuhod at binti sa parteng kumikirot.

Matagal na noong napilayan ako kaya hindi ko naisip na hanggang ngayon ay sasakit pa ito. High school pa ako noong unang injury ko.

Was it possible?

Ang kaninang iilang nanunuod ay unti-unting dumarami; napupuno ang gymnasium ng mga estudyante. It was starting to get loud, too, courtesy of the cheering squad and their drums. Team ng mga Business Ad students ang kalaban namin ngayon.

Inabot ng aking kamay ang talampakan ko na siyang nagpasinghap sa akin nang maramdaman lalo ang kirot.

Shit naman. Bakit ngayon pa?

Sana maayos na matapos ang game at hindi ito gaanong sumumpong mamaya habang naglalaro. Bakit kasi ngayon pa ito sumakit kung kailan championship?! Kami pa naman ang defending champion, kaya kailangan manalo pa rin kami rito.

"Ayos ka lang?"

Nag-angat ako ng tingin kay Hanna. Nakatingin siya sa akin na nakakunot ang noo at sinulyapan ang binti ko bago umupo sa tabi.

"Don't play, Threya." Umiling siya at nag-aalalang sinulyapan ulit ang binti ko.

Nagbuntonghininga ako at nginitian siya. "Ayos lang ako, Hanna. Kaya kong maglaro, siguro nasobrahan lang ako sa training kahapon kaya ganito."

"Tss, ang kulit mo! Alam naman ni coach na mayroon kang injury. Sabihin mo lang na sumasakit 'yan ngayon para hindi ka niya paglaruin," aniya. "Mahirap 'yan kapag lumala pa."

"Huh? Bakit hindi siya maglalaro? Kailangan siya sa team ngayon!" pakikisali ni Ella na nakikinig pala sa amin.

Inaayos niya ang kanyang rubber shoes habang nakasulyap sa amin, umiling siya at muling bumaling sa kanyang sapatos at isinintas iyon.

"Mayroon siyang injury, Ella. Maiintindihan naman siguro ni coach 'yon."

Kumunot ang noo ni Ella at sinulyapan ako, parang naghahanapan ng kung anong mali sa akin.

Bumuga ako ng hangin at marahang inikot-ikot ang paa ko. Hindi dapat sumakit ito mamaya kapag oras na ng laro. Nakakahiya iyon sa teammates ko at kay coach na umaasa sa akin.

"Wala naman, ayos lang 'yan. Hindi naman siya gaanong bibigyan ng bola dahil blocker siya," balewalang anito.

Suminghap si Hanna. "Iyon na nga, e. Blocker siya, puro talon ang gagawin niya baka lalo lang lumala ang sakit ng injury niya!"

Mukhang nainis si Hanna sa mga sinasabi ni Ella pero mukhang wala namang pakealam ito kahit may mainis sa kanya. Tama naman siya dahil kulang kami sa players ngayon at hindi ako pwedeng mag-inarte.

"The volleyball championship game will start in a few..." the announcer declared. "And the last game will be the most awaited basketball finals! Stay on your seats!"

Isla Verde #1: One Sweet DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon