Kabanata6
Huminga ako nang malalim at tinanaw sa malayo si Spiral. Nakita ko siyang nakaupo sa isang monoblock, nakabaliktad iyon at nakatukod ang kanyang siko sa sandalan habang abala sa panunuod sa mga players na nagt-training.
Si Clay ay nakaupo naman sa lapag at natatawa dahil sa mga errors na ginagawa ng iba. Napalingon sa akin ang coach ng Lion Biz. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at lumapit sa 'kin.
"Pwede mo bang i-train ang team ko?" aniya.
Kumunot ang noo ko. "Po?"
Dahil ba roon kaya ako pinapunta ni coach dito? Bakit ako? Wala na bang ibang coach para mag-train sa players niya? I was just also a player. Wala pa akong alam sa pagte-train nang tama sa ibang players.
Ngumiti siya. Hinawakan niya ako sa siko at iginiya patungo sa bench kasama siya. Napatingin din sa akin ang ibang players na kasalukuyang nagt-training.
"I'm going to Manila kasi, walang magt-train sa team ko. So I asked coach Allan to train them but he refused. He said to talk to you and ask you a favor to train them for a while."
I gasped in awe. "Coach, player lang din po ako. I don't think I can train them that well."
Umiling siya. "Hindi, hija. Kailangan ko lang ng magba-bantay sa kanila at magtuturo ng tama kung may mga mali sila." He looked at the players. "Besides, you're a good player! I think you can train them, it's just a week or two."
Unti-unting umingay ang bulungan ng mga basketball players sa kabilang bleachers. Lahat sila ay napatingin sa gawi namin. Mangha ang mga reaksyon at natutuwa.
I saw Spiral looking at me intently, kagat niya ang pang-ibabang labi niya. Nang makitang tumingin ako sa kanya at kunwa'y humikab siya at nag-unat ng braso.
My lips curved. I wanted to smile after seeing him like that. I missed him, really. Hindi ko na kasi siya madalas makita, parang bumalik iyong dati. Iyong hindi talaga siya naliligaw kahit sa cafeteria.
After one week, ngayon ko lang siya ulit nakita.
I looked at Coach Philip again, he seemed hopeful.
Ngumiti ako. "Sige po, Coach."
Namilog ang mga mata niya at wala sa sariling pumalakpak sa tuwa. The players stopped playing and glanced at Coach Philip who was happily clapping like he won an award.
"Yes! Ang bait mo talaga, Fortin!" maligayang aniya, humawak sa balikat ko. "Thank you! Basta one to two weeks lang, hija...please, train them."
Nahihiyang ngumiti ako at tumango, tumayo na ako. Muli siyang ngumiti sa akin at parang biglang may naalala.
"Hindi ba't gusto mong mag-aral sa Maynila?"
Napaawang ang labi ko and my heart jumped at the sudden question. I nodded slowly and looked at him.
"Wow! I have friends, coaches sila sa Harvis University at Elite University Manila."
Nanlaki ang mga mata ko. Nakuha noon ang buong atensyon ko, mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa halo-halong kaba at excitement.
"Talaga po, Coach?"
Tumango siya at malawak na ngumiti sa akin.
"I can refer you to them. Kailangan din kasi nila ng players na mataas ang potential, that's if you are willing to live and study in Manila."
Lumunok ako sa panunuyo ng lalamunan. Wala akong kahit na anong problema doon, alam nina mama at papa na pangarap ko ang makapag-aral doon.
I was so sure that they'd allow me to live and study there. Ang problema ko lang talaga ay ang scholarship dahil higit na mas mahal ang matrikula roon kaysa rito sa La Riva Colleges.
BINABASA MO ANG
Isla Verde #1: One Sweet Day
Fiksi UmumBorn and raised in the small province of Isla Verde, Asthreya dreams of becoming a famous volleyball player. When Manila gives her that chance, she meets a much bigger world--for herself and her dream. *** The star player of La Riva in Isla Verde, A...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte