Poem I: Siya Pa Rin Pala

32 0 0
                                    

Mahal, bakit ka pumayag sa ligaw ko,
Kung siya pa rin pala laman ng puso mo.
Ano bang meron sakanya,
Na sakin di mo man lang madama.

Mahal nasaktan ako nung nalaman kong siya pa rin ang tibok ng puso mo,
Pero gayon pa man pinilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko sayo.

Hindi ko maintindihan kung bakit kahit iniwan ka na niya,
Binabalik balikan mo pa rin siya.
Mahal naman andito ako sa tabi mo,
Pero siya pa rin ang hinahanap mo.

Mahal nandito ako dahil tayo,
Handa akong masaktan para sayo.
Hinding hindi kita sasaktan,
At kahit kailan hindi ipagpapalit sa kahit na sino man.

Mahal alam kong naging kayo,
Pero mahal paano tayo.
Meron bang tayo para sayo,
O ako lang ang nagmamahal sa relasyong to.

•April 12, 2017 • 12:49am•

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon