Hindi ka nag iisa,
Andito ako para pasayahin ka.
Andito para masandalan mo,
Andito ako para lang sayo.Yang mga salitang sinabi mo,
Na kahit kailan hindi mo binigo.
Mga paliwanag at dahilan mong minsa'y malabo,
Pinilit intindihin ng buong puso.Minsa'y hindi napipigilan,
Ikay kinakausap kahit walang kailangan.
Kung ang aking ina ay ilaw ng tahanan,
Ikaw naman ang ilaw ng aking dadaanan.Tinawag kitang kaibigan,
At nanunpang hindi ka iiwan.
Kahit kailan ay hindi pagsisisihan,
Na ikaw ay naging matalik na kaibigan.Tuwing kausap ka ay napapawi ang aking lungkot,
Sa sobrang saya ko ay akoy natatakot.
Natatakot na ang saya ay mapawi rin,
Na parang abong tinangay ng hangin.Ikay hindi man akin,
Pero lagi kang kasama sa aking panalangin.
Panalangin na wag kang malayo sa akin,
At ang pagsasama'y hindi limutin.Salamat dahil nandyan ka,
Ikaw na madalas magalala.
Walang ibang ginawa kung hindi magpasaya,
Kaya lubos ang pasasalamat ko naging kaibigan kita.Minsan napapaisip kung ang pagkakaibigan ba ay nararapat,
Dahil ang isang kaibigang gaya mo ay walang katulad.
Akoy natutuwa tuwing kausap kita,
Madalas nalilibang at nakakalimutan na ako'y may gawain pa.Patawad kung minsay sobra na,
Sobra na ang pag tulak ko sayo sakanya.
Naramdaman ko lang na siya ang hanap mo,
Na siya ang taong inaabangan at hindi ako.Patawad kung minsan ay nag tatampo,
Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko.
Salamat na akoy tinanggap mo,
Kahit minsa'y nagagago sa mga sinasabi ko.Maipagmamalaki ko na itinuring na kitang kapatid,
Dahil minsan akoy nasabik magkaroon ng babaeng kapatid.
Maipagmamalaki ko rin sayo na hindi kita niloko,
Kahit na madalas akong nagbibiro sayo.Tulad ng sinabi ko sayo,
Suportado kita sa kung sino man tinitibok ng puso mo.
At kung masaktan ka ma'y nandito lang ako,
Bilang kuya at kaibigan mo.•April 26, 2017• 1:45am•