Chapter 2- Mark Shane Malver- - - - -
Jasmin's POV
Ilang araw na ang nakalilipas at parang sariwa parin ang sakit. Na parang kahapon lang nangyari ang lahat.
Marami naring nagbago sa pagkakaibigan namin.
Parati na siyang bc at walang time para sakin. I understand naman eh. Alam kong mas importante pa ang girlfriend niya.
Kaya ito ako ngayon nagiisang naglalakad patungong library.
Simula kasi nung nalaman ko na may girlfriend na daw siya, parati ko ng tambayan ang library. Hindi nanaman bago sakin to. Kasi bata palang ako parati ko nang tambayan ang mini-Library namin sa bahay.
Tsaka mas gusto ko dito sa library kasi tahimik. Nakakapag isip ako.
Pag marami rin kasing laman ang isip ko lagi akong pumupunta sa mini-library namin.
Kagaya ngayon, iniisip ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito.
"Hi miss, may nakaupo ba dito?" Tanong ng lalaking matangkad, maputi, tsinito. Di ko namalayan ang pagdating niya kaya medyo na gulat ako. Dala narin siguro ng malalim kong pagiisip.
"Aahh hello. Wala naman." Sagot ko naman sa kaniya at sabay smile.
Kahit naman nerd ako e, friendly naman ako noh.
"Pwede bang makiupo? Wala na kasing vacant seat eh." Sabi niya na parang nahihiya. Hahaha hang cute niya.
Lumingon naman ako sa paligid ko. At oo nga wala nang vacant seat. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang 'uhm-oo'.
Tahimik lang akong nagbabasa ng bigla siya nagpakilala.
"Ahh, ako pala si Mark Shane Malver. Grade 10- Sapphire. 16 years of age. Ikaw ano pangalan mo?" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya.
"Jasmin Nathalie Rodriguez. But you can call me Jasmin. 16 years of age. Grade 10- Sapphire din. Nice to meet you!" Masigla kong sabi sabay abot ng nakalahad niyang kamay.
"Wooaahh kaklase pala kita. Haha pwede ba kitang maging kaibigan? Bago palang kasi ako dito. Wala pa akong kaibigan. Maliban sayo kung papayag ka. Tsaka magpapatulong sana ako sayo. Hindi ko pa kabisado ang mga pasikot sikot dito kaya mag papatulong sana ako sayo na itour ako dito." Mahaba niyang litanya. Na parang masayang masaya siya
"Ah oo naman. Pwedeng pwede. Tsaka sige tutulungan kita."
"Talaga? Salamat Nath." Siya
"Ay Jasmin pala. Sorry may friend din kasi ako dati. Nathalie din ang pangalan. Tsaka ang tawag ko sakaniya ay Nath. Kasya sorry ulit na natawag kitang Nath." Dugtong niya
"Ano kaba ok lang." Sabi ko
Nung tinawag niya akong nath. Namiss ko bigla si Yuhan. Pero hindi ko nalang pinahalata sa kanya.
Baka ma offend eh.
- - - - -
Nandito kami ngayon kasama ko parin si Mark na naka upo sa garden ng school habang nag uusap at kumakain.
Vacant kasi namin ngayon.
Acctualy mag kaklase kami nila Mark, Yuhan at nung Girlfriend niyang bruha. Kaya nakakasaby ko si Mark nyayon.
Pero after ng last class namin or should I say na last subject bago ang vacant namin. Hindi ko na alam kung nasan na sila.
Speaking of him. Nakita ko siya na tumatakbo. Hindi ko nalang pinansin. Mga ilang minuto na ang nakalilipas ng may tumawag sakin
"NNNNNNAAATTTTHHHHH!!" biglaang sigaw ng isang lalaki. Boses palang kilala ko na kung sino yun.
"Uy, Yuhan. Ano ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Wala lang. Napadaan lang kasi ako dito ng makita kita. Nga pala kumain kana ba? Baka gusto mong sumabay sakin? Wala naman kasi si Monette. May ginawa pa." Mahaba niyang litanya. Na hinihingal parin. Kawawa naman.
"Ahh. Sorry Yuhan. kasabay ko kasi si ano, si ahh, si Mark. Tama si Mark. Diba mark?" Sabay baling kay mark na nakatingin sa amin. Binigyan ko siya ng "sumang-ayon-ka-nalang" look. Tila naintindihan naman niya ang pinapahiwatig ko kaya sumangayon siya.
"I'm sorry bro, pero sakin siya sasabay. Don kanalang sa girlfriend mo." Sabi niya. Tiningnan ko naman si Yuhan. Para siyang nalungkot nung sinabi ni Mark yun.
"Ahh ganon ba? Sige alis nalang ako. Pupuntahan ko pa pala si Monette. Pero pwede ba na sabay nalang tayong umuwi mamaya Nath?" Sabi niya.
"Ok hihintayin nalang kita sa parking lot." Sangayon ko naman sa kanya.
"Sige bye. Bro ingatan mo yan ah? Kung hindi masasapak talaga kita" Yuhan. Na nagagalitgalitan. Pero Kinilig naman ang lola niyo mga pards. Hahaha
"Kahit hindi mo sabihin yan, gagawin ko talaga." Sabay smirk ni mark. Ito talagang taong to. Ang hilig mag smirk.
"Sige. Aalis na ako pupuntahan ko lang si Monette. Baka tapos na sila." Si Yuhan sabay baling sakin at smile so I smiled back. Tapos tumakbo na siya paalis.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _
_ _
_To be continue.
Sorry short lang yan. Wala na kasing pumasok sa isip ko. Pero sa susunid na UD pramis hahabaan ko.
Love,
Mrs. Park
Vote
Comment
Be a Fan!
YOU ARE READING
Im INLOVE with My Bestfriend
RomansaHiii! Second story ko po to. Sana basahin niyo.😊😉 pero SHORT STORY LANG PO TO! Yung isa di ko pa natapos. Pero ok lang. Tatapusin ko siguro yun. Di ko pa sure. Kung marami nang mag babasa promis mag U-ud ako. Pero back to this story. Chorry kung g...