Kasalukuyang nasa loob ng office na kanyang pinagta-trabahuan ngayon si Sandy. Humingi siya ng isang linggong pagliban kay Troy dahil sa deadline ng article na tatapusin niya. Ito ang ika-pitong araw ng pagliban niya.
Napabuntong-hininga siya. Bukas ay gugulo na naman ang tahimik niyang buhay. Kinabukasan ng masampal siya noong araw ng shooting nito ay naging tahimik ito. Iyon din ang araw na humingi siya ng isang linggong pagliban at pumayag ito. Naputol ang pag-iisip niya ng lumapit si Jane sa kanya.
“Sandy, ang lalim yata ng iniisip mo? may hindi ka ba ikinukwento sa’kin? Hindi naman ito siguro tungkol kay Travis, hindi ba?” anito at tinignan siya ng mataman.
Umiwas siya ng tingin. Si Jane ang kaisa-isa niyang kaibigan sa office. Marami naman siyang nakakausap ngunit ito ang itinuturing niyang malapit na kaibigan. Si Jane rin ang nasasabihan niya ng kanyang mga sikreto kapa hindi niya makausap ng matino sina Leaf at Cloudia. Matagal na rin silang magkaibigan kaya alam nito ang mga kilos niya.
“Mamaya ko sa’yo iku-kwento pagdating ng lunch time. Sa ngayon, tapusin muna natin itong article. Tumango ito at saka umalis sa harap niya. Itinuon niya ang pansin sa harap ng monitor at sinimulan ang pagtipa sa keyboard. Isang sikat na artista ang in-interview niya kaya kailangang niyang ayusin ang trabaho. Ito kasi ang cover para sa next issue na ilalabas nila sa Spotlight magazine, ang showbiz magazine na pinagta-trabahuan niya. Tinapos niya ang article ng sakto sa lunch time. Kinakabahang nagtungo siya sa cublicle ni Jane.
Nakita niya itong nag-aayos ng gamit nito. Marahil ay tapos na rin ito sa ginagawa nito. Hinintay niya ito ng ilang minute sa pag-aayos ng gamit saka nila sabay na tinungo ang karinderyang madalas nilang kainan. Um-order sila ng kanin at ulam kay Aling Lordes, ang may-ari ng karinderya.
“So, umpisahan mo na ang pagpapaliwanag sa akin” ani ni Jane habang kinakain ang in-order nito.
Isinalaysay niya rito ang buong nangyari. Katulad nina Leaf at Cloudia ay nagulat din ito. “Kamusta naman ang pagiging P.A. mo sa kanya” kaswal na tanong nito.
Umismid siya. “Pinahihirapan ako ng Troy na ‘yan.”
“Kung bakit ba naman kasi Nagpadalos-dalos ka” pangaral nito saka siya pinanlakihan ng mga mata.
“Hindi ko naman alam na si Troy iyon eh. Dahil sa galit ko kaya ko siya nabuhusan ng Iced tead sa ulo.” Sagot niya habang nilalaro ang tinidor sa kayang plato. Bigla siyang nawalan ng gana sa takbo ng usapan nila.
“I wish you all the luck” pang-aasar nito pero mayamaya lang ay sumeryoso na rin ito. “fifty days?----“
“forty-eight days na lang ang natitira” pagtatama niya.
“Okay. Forty-eight days and then it’s done. Ayusin mo na lang ang pagta-trabaho mo sa kanya” payo nito.
Nalukot ang ilong niya. “Paano ako makakaayos ng trabaho sa kanya kung pinapahirapan niya ako? At saka ang daming lintang babae ang nakadikit sa kanya”
Nag-angat ito ng kilay. “At ano naman ang kinalaman ng babae niya sa trabaho mo? nagseselos ka ba?”
Magtigas ang iling niya. “Hell no! puro kasi pahamak ang ibinibigay ng mga babae niya sa’kin”
Tumayo ito bigla. Tila nawalan na rin ng gana tulad niya. “Many things happen in forty-eight days kaya ihanda mo na ang sarili mo” anito at niyaya siyang lisanin ang lugar.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito ngunit hindi na nagsalita. Ano ang ibig sabihin nitong ihanda niya ang sarili sa mangyayari?
NAGBIBIHIS ng damit si Sandy ng umagang iyon. Ito ang ikatlong araw niya kay Troy. Tapos na niya ang article kaya malaya na niyang mapagsilbihan ang lalaki. May three weeks pa siya para sa panibagong artista na i-interviehin niya. Ang balita niya ay isa rin itong sikat na model kagaya ni Troy. Pero dahil hindi pa binibigay sa kanya ang pangalan ng subject ay ipagpapatuloy niya ang naudlot niyang trabaho. Kagabi ay t-in-ext siya ni Troy na sa isang resort ang next photshoot nito. Kasama ang isang masamang balita sa text nito. Kasama si Mandy sa photoshoot. Sinabi rin nito na susunduin siya nito sa bahay niya papunta sa resort. Dalawang araw sila doon dahil ayon dito gusto ng buong staff na maglibang sa lugar kaya pinagdadala siya ni Troy ne extrang damit.

BINABASA MO ANG
50 days with Mr. Model
RomanceAko si Sandy Perez. Magiging P.A. ako ng isang pinaka-sikat na Model ng Pilipinas na si Troy Gonzales dahil nabuhusan ko siya ng Iced tea sa ulo. Bakit ba naman kasi? magkambal sila ng ex-boyfriend ko! as in magkamukhang magkamukha! Tunghayan niyo...