“Cloudia, there’s something I need to tell you” seryosong pahayag ni Sandy kay Cloudia. Nasa cellphone lang sila nag-uusap ng hapong iyon. Pagkahatid ni Troy sa tapat ng kanyang bahay ay umakyat siya ng kanyang kwarto at tinawagan ang kaibigan niyang si Cloudia.
“Oh girl, anong importanteng balita ang sasabihin mo at inistorbo mo pa ako?” tugon nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. “I’ll be Troy’s P.A for 50 days.” Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tainga ng sumigaw ito. “Troy? As in Troy Gonzalez? Yung Kakambal ng boyfriend mo?” tanong nito.
Naismid siya. “Excuse. Travis is now my ex-boyfriend”
“Yeah. Alam ko naman kung gaano ka kagalit sa lalaking ‘yan.” Sabi nito. Ito at si Leaf ang nag-alaga sa kanya noong araw na nakipag-break si Travis sa kanya. “Wait friend sa restaurant na lang kayo tayo mag-usap at isama na rin natin si Leaf.” Yaya nito sa kanya.
“Okay sige. Ikaw na lang ang mag-contact sa bruha” natatawang pahayag niya. Pagkaraan nitong magpaalam ay umalis siya sa pagkakahiga sa kama niya at umalis palabas na kanyang bahay. Pumara siya ng taxi at binaybay ang daan patungo sa kanilang paboritong restaurant.
Ilang minuto siyang naghintay bago dumating sina Cloudia at Leaf. Ang dalawang babae ang nagsisilbing kapatid niya dito sa Maynila. Nasa probinsiya kasi ang mga magulang niya. Mag-isa lang siya sa kanyang bahay ngunit hindi siya nalulungkot dahil sa dalawa. Parati kasi nitong binubulabog ang buhay niya. Classmate at bestfriend niya si Leaf noong college sila. Dito kasi siya nag-aral sa maynila. Ang bahay ng tito Dany at tita Lina niya ang tinutuluyan niya ngayon. Nasa ibang bansa na kasi ito naninirahan kasama ang mga anak nito kaya sa kanya ipinamahala ang bahay ng mga ito. Si Cloudia naman ay kakilala niya noong highschool palang siya. Kapit-bahay kasi. Ito. Lumipad ito patungong America noong magka-college na sila. Kakauwi lang nito dalawang linggo na ang nakararaan.
“Oy girl totoo ba ang kwento ni Cloudia sa’kin?” bungad na tanong ni Leaf sa kanya. Pagkaupo nito sa bakanteng upuan. Tumango siya. “Oo.” Aniya. Ikwinento niya ang simula ng pagkabuhos nng iced tea sa ulo ni Troy hanggang kanina pagkatapos ng shooting.
“Ay ang bongga naman niyan Sandy, parang yung nababasa ko lang sa pocketbook” pahayag ni Cloudia habang kinakain ang in-order nito.
“Oo nga eh. Ngayon ko lang nalaman ‘yan” pagsegunda ni Leaf.
“Eh paano dahil lagi kang nakadikit diyang sa bestfriend mong si Rain” Si Rain ay ang bestfriend ni Leaf simula pa man ng mga bata ito. Hindi na lingid sa kanila ang pagkagusto ni Leaf kay Rain at hindi nila alam kung ganoon din ba ang nararamdaman ng lalaki. Sikat na artista si Rain sa kanilang bansa kaya naman todo suporta si Leaf dito. Lagi nitong sinasamahan ang lalaki sa bawat shooting nito.
Apologetic na tumingin ito sa kanila ni Cloudia.“Sorry huh? Hindi ko na kayo nakakasama dahil sa sobrang busy ko sa pagsasama sa mga shooting ni Rain.” Hinging paumanhin nito.
Tinapik niya ang balikat niya nito. “Okay lang ‘yan. Basta for the love of your life” nginisian niya ito.
Tumawa ito. “Gaga. Anong love of my life? Eh, bigo nga ako dun sa bestfriend ko”
Magsasalita sana siya ng umeksena si Cloudia. “Ahm girls. Ako naman ang may importanteng sasabihin sa inyo” anito. Nagkatinginan sila ni Leaf. Bihirang magseryoso si Cloudia dahil masayahin at madaldal ito.
“What is it?” they said in chorus.
Bumutong-hininga ito. “I’m getting married.” Nakatungong pahayag nito.
Nanlaki ang mata niya. “What?” ayon lang ang nasabi niya.
Napasinghap naman ni Leaf. “Ikakasal ka na? mas bongga pa sa ikwenento mo sakin kanina.” Sabi nito.
“So who’s the lucky guy?” nakangiting tanong niya. Sa wakas ikakasal na ang kaibigan niya.
“It’s just an arrange marriage guys.” Nakangusong pahayag nito sa halip na sagutin siya.
“Oh, we don’t even care. Malay mo siya na pala ang nakatadhana sa’yo.” Nakangising sabi ni Leaf.
Inirapan ito ni Cloudia. “Nakatadhana ka diyan. Kung alam mo lang ang ginawa niya nung unang araw ng pagkikita namin” namumulang pahayag ni Cloudia.
I smell something fishy with this girl! May itinatago yata ito sa kanila ni Leaf.
“So anong ginawa niya sa’yo?” lakas-loob na tanong niya.
Nag-panic ito. “His name is Sean Dela Torre and I need to go by the way” anito at biglang umalis.
“Anong nangyari sa babaeng ‘yon? Tinanong mo lang kung anong ginawa ng lalaking ‘yon sa kanya iba na ang sinagot” Nagtatakang tanong ni Leaf.
“I think she found her true love” makahulugang sabi niya.
NAKAHIGA si Sandy sa kanyang kama ng gabing ‘yon ng gabing ‘yon. Nagpagpasyahan nila ni Leaf na umalis na rin ng restaurant pagkatapos ni Cloudia umalis kanina. Kaya heto siya ngayon nakahiga sa lang kaniyang kama.
Napaigtad siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Pagkatingin niya sa aparato ay may isang message. Unregistered number ang nag-text sa kanya. Binasa niya iyon.
How was your day?
Napakunot noo siya. Hu are u? tanong niya rito. Imbes na mag reply ay tumawag ito sa kanya.
“Hello” ani ng nasa kabilang tinig. Biglang kumabog ang dibdin niya. Kilala niya ang boses na iyon. It was Troy. “Saan mo nakuha ang number ko?” tanong niya rito.
“Sa kakambal ko” sagot nito. Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Bakit nito kukuhain ang number nia kay Travis? Oh well baka kailan nito ng contact sa kanya in case na kailangang siya nito.
“Ahhh. So bakit ka napatawag?” tanong niya.
Matagal bago ito sumagot. “Pinapaalala ko lang na matulog ka na dahil marami akong ipapagawa sa’yo bukas” napaismid siya sa sinabi nito. So tinawagan siya ntio para palalahanan na pahihirapan siya nito bukas? Napaka-arogante talaga ng lalaking ito!
“Opo mahal na hari. Matutulog na ako ng maaga para magawa ko ng maayos ang ipagagawa niyo bukas” she said sarcastically.
“Yeah goodnight! sweet dreams, Sandy.” Anito ang in-end ang tawag. Wala sa sariling Napatingin siya sa kanyang cellphone. Napakalakas ng pintig ng kanyang puso. Kahit walang kahulugan ang sinabi nito ay hindi niya alam kung bakit abnormal ang tibok ng puso niya. Ilang beses na rin silang nagkita ni Troy tuwing pupunta siya sa bahay ng mga ito kasama si Travis noong silang dalawa pa. pormal lang ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Naaalala niya ang unang pagkikita nila. Mas nagwapuhan noon siya rito kaysa kay Travis kahit kambal ang dalawa. Mas maputi kasi si Troy kaysa kay Travis at mas seryoso ito kumpara sa ex-boyfriend niya.
Ahh baka dahil inaantok na ako! Pangeenganyo niya sa sarili. Pinilit niyang matulog kahit ito ang lumilitaw sa isip niya.
~~~~~~~~~~
don't forget to vote and leave a comment!
BINABASA MO ANG
50 days with Mr. Model
عاطفيةAko si Sandy Perez. Magiging P.A. ako ng isang pinaka-sikat na Model ng Pilipinas na si Troy Gonzales dahil nabuhusan ko siya ng Iced tea sa ulo. Bakit ba naman kasi? magkambal sila ng ex-boyfriend ko! as in magkamukhang magkamukha! Tunghayan niyo...