Nagbilang ng sampung beses si Sandy bago siya kumatok sa pintuan ng condo unit Troy. Ngayon ang unang araw ng pagiging P.A. niya rito at nanalangin siya na sana maging ayos lang sila sa mga susunod araw.
Sana!
Kumatok siya. “Troy!” tawag niya. “Ako ito si Sandy, maari ba akong pumasok?” tanong niya sa harap ng pintuan nito. Sinadya niyang agahan ang pagpunta rito dahil para bulabugin niya ito. Kung inaakala nitong mabait siya, Pwes! Pahihirapan niya ito.
Sumagot ito. “Yes. You can come in.” pinihit niya ang seradura ng pinto. Bigla siyang napahinto ng Makita si Troy. For pete’s sake! Nakaboxer shorts lang ito! Kitang-kita niya ang matitipuno nitong dibdib na halatang alaga sa workout.
Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Baka ma-rape ko ang magandang nilalang na ito!
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nakita niya lang itong nakaboxer shorts kung ano-ano na ang naiisip niya. Tumingin siya sa mukha nito. Namula siya ng makitang nakangisi ito. Wala sa loob ng napaupo siya sa sofang katabi niya.
“Enjoying my body huh Sandy? Wala bang ganito si Travis?” Pang-aasar nito. Lumapit ito sa kanya ng dahan-dahan.
God! Ano bang kabaliwan ang ginagawa ng lalaking ito?
Itinulak niya ito ng marahan at saka inirapan. Narinig niya ang malakas ng halakhak nito. “Ano ba ang gagawin ko rito? At pwede ba huwag mong ibalandra iyang katawan mo sa pagmumukha ko at naaasiwa ako ‘no!” nandidilat na sabi niya.
Ngumisi ito bago nagsalita. “I just woke up when you shout at me. Hindi pa ako nakakaligo. Ang aga mong pumunta rito it’s just 7 o’ clock in the morning at ten a.m. pa ang photo shoot ko.”
Napangiwi siya. Sobrang aga nga ng punta niya. Baka isipin nito na excited siyang makita ito.
No! kaya ako nagging maaga para bwisitin ang lalaking ito!
“Tutal andirito ka na rin lang naman. Dito ka na magbreakfast” turan nito sa kanya.
Maniniwala na sana siyang may pagkagentleman ito kung hindi lang nito dinagdagan ang sinabi nito. “At since ikaw ang P.A. ko. Ikaw ang magluluto” anito sabay pasok sa silid nito.
Damn that man! Hindi siya marunong magluto. Apat silang magkakapatid at siya pa ang bunso kaya naman nasanay siya na ang nanay niya at ang mga kapatid niya ang nagluluto para sa kanya although hindi sila mayaman. Kumuha siya ng egg, binati niya iyon at nilagyan ng cheese. Prinito niya kasabay ng bacon T-in-oast niya na rin sa oven toaster ang bread na nakita niya sa refrigerator nito. Nag brewed na rin siya ng coffee para sa kanilang dalawa. Simple lang ang inihanda niya para sa kanilang dalawa pero mukhang nakakabusog naman. Papatapos na siyang mag-ayos ng table ng biglang dumating ito.
Bagong ligo ito. Naaamoy pa niya ang aftershave na ginamit nito. Darn! Nakakaadik siyang amuyin.
“Huwag mo akong singhutin Sandy.” Saway nito sa kanya. Namula siya sa pagkapahiya. Nalaman pala nito iyon?
Umupo ito at sinimulang kainin ang niluto niya. “Saglit itong napahinto sa pagkain.” Bigla siyang kinabahan. Hindi ba masarap ang niluto niya? Eh, hindi naman kasi siya marunong magluto.
“Ikaw ba ang nagluto nito?” tanong nito.
“Ha? Ah. Oo kaso hindi ako marunong maglu—“
“Masarap” putol nito sa sinabi niya.
Wait. May sinabi ba itong masarap? Ang luto niya masarap? “Talaga? Eh simpleng egg with cheese lang naman ‘yan” napangiti siya. “Salamat huh? First time kong makarinig na may nagsabing masarap ang luto ko. Hindi kasi ako marunong magluto eh. Kahit itlog minsan naalatan ko.” Tumawa ito. “Honestly masarap yung luto mo ngayon” nakangiting turan. Naging masarap ang pagsasalo nila sa almusal. Pagkatapos niyang kumain ay pumunta siya sa sala at umupo sa sofa. Napatingin siya sa wristwatch niya. Alas-otso na ng umaga. Napasarap ang kwentuhan nila.
Nagulat siya ng may malaking bag na bumagsak sa paanan niya. Hinawakan niya iyon. Medyo mabigat. “Ito ang unang araw ng pagiging P.A. mo kaya dalhin mo ‘yan” paliwanag nito sa kanya. Ang damuhong ito akala niya mabait ayon pala balik pa rin sa dati.
“Opo mahal na hari.” Yumukod siya. “At dahil ito ang unang araw ko ay pagsisilbihan ko po kayo ng buong giliw.” Binigyan-diin niya ang salitang po para asarin ito. Binuhat niya ang bag nito. Nangiwi siya dahil mabigat iyon. Ang bruho pahihirapan pa yata siya!
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa lugar ng photoshoot nito. Abala lang lahat sa paghahanda. Umupo siya sa bakanteng upuan na nakita niya. Medyo nanakit ang likod niya sa kakabuhat ng pesteng bag ni Troy. Bigla siyang namutla ng makitang nadidito ang babaeng nilait niya kahapon sa restaurant.
Anong ginagawa niya rito? Model din ba ito?
Hindi naman talaga pangit ang babae ng makita niya. Naiinis lang siya ng araw na iyon dahil akala niya si Travis ang kasama ng babae. Si Troy pala.
Nagtakip siya ng mukha ng para hindi siya makita nito. Hindi niya kayang harapin ito pagkatapos ng ginawa niya.
“Sandy. Akin na muna yung bag ko!” tawag ni Troy sa kanya.
Patay! Wrong timing ka naman Troy!
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha.pagkatngin niya. Nakahawak ang babae sa braso ni Troy. Biglang tumaas ang kilay nito pagkakita sa kanya.
“Ah Troy ito na yung bag mo” nakakamatay ang tinging ibinigay niya rito. Ngumisi lang ito.
“Wait! ‘di ba ikaw yung babaeng lumait sa’kin kahapon?” mataray na saad nito
Apologetic na tumingin siya rito. “Ah miss—“
“Mandy tara magbihis na tayo at may photoshoot pa tayo” yaya ni troy dito. Buti naman at nagsalita ito dahil ang totoo. Ayaw niyang humingi ng tawad sa babae. Tinanaw niya ang papaalis na pigura ng dalawa. Napabuntong-hininga siya. Unang araw pa lang niya ngunit ang dami ng nangyayari. Kakayanin pa kaya niya ang susunod? Napatigil siya sa pag-iisip ng biglang magsalita ang photographer. Ready na pala ang lahat.
Napanganga siya ng makita sina Troy at Mandy. Naka-jeans si Troy. Wala itong suot na pang itaas samantalang si Mandy naman ay naka-jeans at bra. Kung titingnan ang dalawa ay masasabing niya bagay ang ang mga ito.
Wait! Wait! Ano ba ang iniisip ko? Censored censored! Lalo na silang dalawa, Censored!
Lalong nanlaki ang mata niya niya ng yumakap si Mandy kay Troy at si Troy naman ay humawak sa bewang ni Mandy. Kahit na sabihing para sa photoshoot lang iyon ay naiinis siya. Bakit? Hindi niya rin alam kung bakit. Dahil siguro nalalandian siya kay Mandy. Tama nalalandian siya kay Mandy period. Nang matapos ang photoshoot ay lumapit si Troy.
Binuksan niya ang bag nito. Nakakita siya ng T-shirt at ibinagay iyon dito. Naakit kasi siya rito. Natatawang inabot nito iyon.
“Nagutom ka ba? Gusto mo bang kumain tayo?” tanong nito.
Tumanggi siya. “Okay na ba? Tapos na ba ako ngayon.”
Tumango ito. “Oo tapos ka na ngayon. Babalik ka ulit bukas hmm? At iba naman ang iuutos ko sa’yo.”
Hindi na siya sumagot at pumunta na lang sa kinapaparadahan ng kotse nito.Sinabi niya rito ang daan patungo sa bahay niya. Tahimik na binaybay nila ang daan patungong bahay niya. Ilang saglit lang ay nasa tapat na siya ng kanyang bahay. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse nito ng magsalita ito.
“Ah. Sandy salamat” nakangiting saad nito.
Napatitig siya rito. Titig na titig ito sa mukha niya. “Ah wala ‘yon ‘di ba P.A. mo ko?” hindi niya alam kung imahinasyon niya lang ba ang biglang pag-asim ng mukha nito.
“Yeah! My P.A. so bukas na lang ulit” ngiti lang ang sagot niya rito. Hinintay niyang makaalis ito bago siya pumasok sa bahay niya. Hay! She need a friend to talk to!
~~~~~~~~~~
Thank you sa mga nagbasa!!!
Don't forget to vote & leave a comment!
add me on Facebook: amethsythikari@yahoo.com

BINABASA MO ANG
50 days with Mr. Model
عاطفيةAko si Sandy Perez. Magiging P.A. ako ng isang pinaka-sikat na Model ng Pilipinas na si Troy Gonzales dahil nabuhusan ko siya ng Iced tea sa ulo. Bakit ba naman kasi? magkambal sila ng ex-boyfriend ko! as in magkamukhang magkamukha! Tunghayan niyo...