Chapter one:
“I’m sorry Sandy but we’re over” nakayukong pahayag ni Travis. Nasa isang fine dining restaurant ngayon sina Sandy at Travis. Ngayon ang araw ng kanilang first anniversary.
“Why?” manghang tanong niya. Wala siyang makitang dahilan para hiwalayan siya ni Travis. She had been a good girlfriend to him.
Naging malikot ang mga nito. “Dahil hindi ako ang nararapat para sa’yo” she rolled her eyes. Yeah! What a lame excuse.
“May ibang babae ka ba?” malamig na turan niya. Napatingin ito sa kanya at namutla.
“Ah! S-sandy” nauutal sa saad nito.
“May babae ka ba?” malakas na sabi niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga katabi nila.
Yumuko ito. “O-oo”
Para siyang pinagbagsakan ng sampung hallow blocks sa sinabi nito. Sa sobrang galit ay tumayo siya at sinampal ito. Umalis siya ng restaurant na iyon at pumara ng taxi. Napahagulgol siya sa loob ng taxi. Doon niya Inilabas ang luhang kanina pa gusting kumawala sa mata niya.
Isang taon na sana ang relasyon nila ni Travis kung hindi ito nakipag-break sa kanya. Sa araw pa mismo ng first anniversary nila. Nakilala niya si Travis dahil sa kaibigan niyang si Jane. Pareho silang writer ni Jane sa isang showbiz magazine. Ipinakilala ni Jane sa kanya si Travis. Magkaibigan kasi sina Jane at Travis. Pagkaraan ng ilang araw ay nagyaya ito sa kanya ng date. Pinaunlakan niya iyon. Ang pagyaya nito sa kanya sa labas ay nauwi sa panliligaw. Bago niya sagutin si Travis ay pinaalalahanan siya sni Jane na mag-ingat sa lalaki dahil notorious playboy ito. Ngunit hindi siya nakinig dito.
“Kung nakinig lang sana ako.” Himutok niya.
May araw ka rin sa’kin Travis Gonzalez!
Tatlong araw na mula ng makipa-break si Travis kay Sandy. Kaya imbes na magmukmok sa loob ng kayang silid ay pumunta siya ng mall para maglibang. Bumili siya ng isang damit at sapatos sa isang kilalang boutique. Bigla siyang napahinto ng mapadaan siya sa isang restaurant. Kahit malayo ay kilalang-kilala niya ito. It’s Travis with a girl. Nakaharap ito sa gawi niya ngunit hindi siya nito makikita dahil bukod sa malayo siya sa mga ito ay nakaharang ang babae sa kanya. Nakatalikod ang babae kaya hindi niya makita ang mukha nito.
Biglang umakyat ang dugo niya sa ulo. So, ito pala yung babaeng ipinalit nito sa kanya. Dala ng galit, dali-dali siyang pumunta sa table nito.
“Hello Travis! Ito ba yung babaeng ipinalit mo sa’kin?” aniya at tiningnan ang babae “Ang pangit! At alam mo ba hindi pa ako tapos sayo eh. Ito ang nararapat sa mga palikerong katulad mo!” mahabang saad niya sabay tapon ng iced tea na nakita niya sa table nito. “Huh! Mabuti nga sa’yo!” pagkatapos nito ay naglakad siya ng mabilis. Hinanap niya ang daan patungong exit. Ilang hakbang palang ang layo niya sa mall ay may marahas na kamay ang humawak ng braso niya.
“What do you think you’re doing Sandy?” malamig na turan ni travis sa kanya.
Naningkit ang mata niya. “Ang kapal rin ng mukha mo ‘no? nararapat lang ‘yan sa’yo Travis” gigil na saad niya.
Napakunot noo ito. “Travis? Damn it! Before you would do an stupid act make sure you’ll do it to my twin brother”
Nanlaki ang mga mata. “Twin brother? I-ikaw si Troy? Ang kakambal ni Travis?”
“Yeah! The one and only” anito sabay humalukipkip.
“I-im sorry akala ko ikaw si Travis “ hinging-paumanhin niya rito.
“Yeah! Yeah! So paano mo mababayaran yung damages mo sa’kin?” nakakalokong tumingin ito sa kanya.
“Damages? Hindi nga kita sinaktan eh!” manghang sabi niya rito. Manigas ito kung pagbabayarin siya nito ng pera. Mahirap lang siya at hindi niya kaya kung babayaran niya ito.
“Yes, damages. Nakita mo naman dahil sa’yo kaya nagalit sa akin si Mandy plus the fact na binuhusan mo ako ng iced tea sa harap ng maraming tao.” paliwanag nito.
“Hindi ko sinasadya iyon at wala akong perang pambayad sa’yo” naiinis na saad niya. Umiling ito. “No I’m not talking about the money. Iba ang paraan na alam ko.” Nakakaloko ang tinging ibinibigay nito sa kanya.
Mahigpit na iniyakap niya ang dalawang kamay sa kanyang katawan. “Hell no! hindi ko ibibigay ang puri ko sa’yo” marahas na tanggi niya. Ngumisi ito. “As if naman na hihingin ko ‘yan. Well, maraming babae ang nag-oofer sa’kin niyan” naging pilyo ang ngiti nito.
Ang kapal ng mukha ng damuhong ito. Sinasabi na nitong wala siyang epekto rito?
“You’ll be my P.A. for 50 days” biglang saad nito. “alam mo naman siguro na model ako. I really need a P.A. for dahil umalis na si Manang Lucida and since ikaw ay may atraso sa’kin so gagawin na lang kitang P.A.” dagdag pa nito.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “P.A.? ayoko nga!” mariing tanggi niya.
“So bayaran mo na lang ako ng fifty thousandpesos” walang kagatol-gatol na saad nito.
“Fifty thousand pesos? Pagbuhos lang ng iced tea sa ulo mo fifty thousand pesos na?” naiinis na turan niya. Saan siya kukuha ng fifty thousand pesos?
“Yes. Bukod sa nawala ang ka-date ko binuhusan mo pa ako ng iced tea sa harap ng maraming tao. I’m a famous model. Maaaring masira ang image ko sa ginawa mo.” paliwanag nito sa kanya.
Napaisip siya. Tama mga ito. “Fifty days? Pwede bang one month?” pakiusap niya rito. Nagpuppy eyes pa siya.
“No.” matigas na tanggi nito. “You’ll be my P.A. for fifty days and that’s final.” Napaisip siya. “Fifty days? Wala naman siguro akong choice kundi ito hindi ba? Sige” pagpayag niya.
“Magsisimula ka na bukas. Puntahan mo ako sa condo ko.” Sumulat ito sa papel at ibinigay sa kanya. Pagkatingin niya sa papel ay ang address ng condo unit nito.
“So it’s settled then” pagkasabi nito’y lumakad na ito palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
50 days with Mr. Model
RomantizmAko si Sandy Perez. Magiging P.A. ako ng isang pinaka-sikat na Model ng Pilipinas na si Troy Gonzales dahil nabuhusan ko siya ng Iced tea sa ulo. Bakit ba naman kasi? magkambal sila ng ex-boyfriend ko! as in magkamukhang magkamukha! Tunghayan niyo...