Pustahan

479 24 4
                                    


"Sinong pupusta na magiging akin sya?"

Tinawanan ako ng barkada sabay sabing "ASA!"

Pinakita ko ang muscle ko sabay sabing "sinong kakasa?! "

Muli nila akong tinawanan sabay sabing "bro! magising ka nga! mukha mo pa lang wala ng pag-asa!"



Umuwi ako ng bahay saka tumingin sa salamin

Naalala ko ang barkada sabay bulong, "balang araw ako'y inyong sasambahin"

Ilang araw akong hindi nagpakita sa barkada

Papatunayan kong nagkakamali sila ng dada!

Ipapamukha kong hindi sukatan ang mukha

Sa paraang para ika'y makuha



Sinubukan kitang ligawan

Ngunit ang masaklap ni sa bintana hindi mo ako sinilayan

Naisip kong siguro masyado akong gwapo para sa ganoong kalagayan



Muli akong dumalaw sa inyong tahanan

Napatakbo ako pabalik ng pakawalan mo ang inyong aso sa aking gawing kanan

Ngunit hindi ako sumuko at nag-isip ng ibang plano

Kailangan kitang makuha ngunit paano?



Nagkulong ako sa kwarto saka nag-isip

Naalala ko wala nga pala akong isip

Dibale magaling naman akong sumipsip

Pakiusap, wag green minded ang inyong mga isip



Lumipas ang ilang oras wala akong planong naisip

Bwiset! ni sa bintana nyo nga hindi kita masilip

Sumapit ang kinabukasan at nakipagkita ako sa barkada

Nagtawanan sila ng sabihin kong "wala ngang pag-asa"




Tinungga ko ang beer na nakalagay sa lamesa

Tama nga ang barkada sa simula pa lang "wala ng pag-asa"

Ang mga katulad kong lalaking paasa,

Napabuntong hininga ako ng makita ko si tanya

Sa ngayon wala akong balak sabihin ang paborito kong linya




Nagulat ako sa sunod na nangyari

Nang itulak mo ang barkada ko sabay sabing "tabi"

Di ko inaasahan ng halikan mo ako saking labi

Napalingon ako sa barkada na walang masabi

Napanganga kaming lahat sa di inaasahan

Ng sabihin mo saking "mahal, tama na ang pustahan"


Signing off ' Kurt 💓 Tanya

---------------------------------

How's it? sana nagustuhan nyo! comment na! :D

Samu't - Saring TulaWhere stories live. Discover now