Isang kindat mo pa lang hinimatay na ako,Pano pa kaya Kung hinalikan mo na ako
Kung mangyari man, sa lips ang gusto ko
Wengya! Sarap i'tweet "landi mo'to"
Sa school ikaw ang laging hanap ng mata ko
Napangiti ako ng makita ko ang likod mo,
Likod pa Lang papang Papa na!
Pano pa kaya Kung humarap na
Dumaan ka sa harap ko, snob ang ate mo
Masaya ka pang ini'snob ako
Kase nga nakita mo crush mo
Please naman crush, ang puso ko pakiingatan mo,
Nagtampo ako sayo dahil sa ginawa mo
Aba, sa ganda Kong ito ini'snob mo!
Sinabi ko sayong "break na Tayo"
Tumawa ka sabay sabing "Bes walang Tayo"
Napahawak ako sa dibdib sa sinabi mo
Labis na nagdurugo ang puso ko
Tumawa ka ulit at inakbayan ako
"Walang Tayo, walang Tayo, tandaan mo"
Sinapak Kita ng ipamukha mo
Muli kang tumawa at ginulo ang buhok ko
Nainis ako sayo at ika'y aking sinako
Buti nga sayo! Napaka paasa mo!
"Best friend naman, umiiwas ka ba?" Text mo
Napabuntong hininga ako " oo crush umiiwas ako sayo"
Mahirap man gagawin ko, Sana
Kaso mahirap best friend Kita tangna!
Pumunta ako sa room ng crush slash best friend ko,
Humahangos kang tumakbo at niyakap ako
Bumulong ako sayo " crush ang hirap mag move on sayo"
Napanganga ako ng ibulong mong "bakit ka pa magmomove on Kung pwede namang maging Tayo"
Napakalas ako sa pagkakayakap ko sayo
Diko namalayan na nagtatakbo ako papalayo
Di ko inakalang crush ako ng crush ko!
Heaven! Pedeng mamatay na ako!
Natapilok ako sa di inaasahan
Dahil sa katangahan ko, ano pang iyong aasahan?
Inakay mo'ko patayo saka binatukan
Sinamaan mo'ko ng tingin saka dinakdakan
Tinakpan ko ang makabila Kong tenga, ang OA talaga ni crush slash--
"Mag-ingat ka nga! MagPapakasal pa Tayo crush..."
![](https://img.wattpad.com/cover/107431145-288-k507463.jpg)
YOU ARE READING
Samu't - Saring Tula
Ngẫu nhiênIba't- Ibang tula ba ang hanap nyo? well tama kayo ng napili. Samu't - saring tula na magbibigay ng kalokohan, kalungkutan, kasiyahan, at iba pa. Welcome my Fellow Readers! Date Started: April 27, 2017 Book Cover by @WattpadRealms All Rights...