SST 5 Pagod

173 13 2
                                    

Pagod na akong umasa

Pagod na akong mag-isa 

Pagod na akong magpakatanga sa kanya

Pagod na akong maging sunod-sunudan nya

Pagod na akong hintayin ang text at tawang nya

Pagod na akong intindihin sya 

Pagod na ang luha kong mag-aksaya

Pagod na akong tanggapin ang paulit ulit mong "sorry mhie"

Pagod na akong hintayin ang mga katagang "will you marry me?"

Pagod na akong sundan ka, tuwing nagpapaalam na aalis ka

Pagod na akong makita kang may kahalikang iba,

Pagod na akong aminin sa sarili kong "tama pa ba ang magpakatanga?" 

Pagod na akong magbulag bulagan na marunong ka palang mag-sawa

Pagod na akong makaramdam sa sarili ko ng awa

Pagod na akong hulaan ang relasyon natin kung hanggang saan 

Pagod na akong tahakin ang maling daan

Pagod na akong mahalin ka

Pagod na akong pahalagahan ang relasyon nating walang kwenta!

Pagod na akong magcelebrate ng anniversary natin na mag-isa 

Masasabi kong "PAGOD" na tayong mahalin ang isa't-isa  

Samu't - Saring TulaWhere stories live. Discover now