SST 4 Panaginip

214 13 3
                                    

Hinalikan mo ako sabay sabing "mahal kita"

Muli mo akong hinalikan saba'y sabing "akin ka lang ha?"

Ako naman tong' si tanga na paniwalang-paniwala

Na kahit kelan hindi ka sakin magkakasala

Sa sobrang saya mo sinabi mong "magpakasal na tayo"

Buong buo naman kitang sinagot ng "oo"

Sa sobrang kilig hinampas kita sa dibdib

Narinig ko ang sinabi mong "aray masakit"

Hawak kamay tayong tumakbo sa may tabing dagat

Sa sobrang bilis nating tumakbo nagkaroon pa ako ng sugat

Pinasan mo ako saba'y sabing "mahal ko, ang bigat"

Dumating ang araw na kinasal tayo,

Di ko inakalang magkakaanak tayo ng tatlo

Sa sobrang saya mo, naghanap kaagad ng trabaho,

Naging busy ka sa trabaho, habang ako sa mga anak mo

Naisip kong wala na tayong oras sa isa't - isa

Naisipan kong pumunta sa opisina mo mag-isa

Gulat kong naipatak ang pagkain kong dala dala

Kusang tumulo ang luha ko, p*ta! may kahalikan kang iba!

Nanlaki ang mga mata mong pinapanuod ko kayong dalawa

Isang pilit na ngiti ang iginanti ko sayo saba'y sabing "sya na pala"

Umuwi ka ng bahay na may hiya sayong mukha,

Gusto kitang tadtadin ng sampal ngunit hindi ko magawa!

Mahina akong napatawa ng maisip kong "siguro bored ka lang"

Gusto kitang sumabatan ng "san ba ako nagkulang!"

Para tarantaduhin mo ako ng ganun-ganun lang!

Umiyak ka sa harap ko, lumuhod at nagmakaawa

tangna! hindi kita matiis at nakaramdam ako ng awa!

Pinigilan ko ang sarili kong pahidan ang luha sa mata mo,

Inabot ko sayo ang divorce paper sabay sabing "pirmahan mo"

Iniwan kitang tulala, habang ako hindi makapaniwala

Di ko inaasahan na mauuwi ang pagpapakasal namin sa wala!

Sabihin nyong tanga ako! dahil pinakawalan ko yung gagong mahal ako

Anong magagawa ko? sobrang nasaktan ako

Pinilit kong mabuhay na wala ka

Tinatak ko sa puso ko na hindi ka na mahalaga

Pero taksil ang puso't isip ko at pilit kang inalala

Natuptop ko ang bibig ko ng sabihin kong "mahal, umuwi ka na"

Lumipas ang dantaong di ka nagpakita,

Lumalaki na ang mga anak mo at hinahanap ka

Nalaman ko na lang na nagpakamatay ka

Di matanggap ng puso ko na wala ka

Kaya't tinangka kong magpakamatay para makasama ka

Bumangon ako sa kama na hingal na hingal

Napahawak ako na puso ko na sya namang hangal

Dahil pakiramdam ko sa puso ko'y may sumanib

Pero pinagpapasalamat kong lahat ng yun ay isa lang masamang panaginip,

Samu't - Saring TulaWhere stories live. Discover now