Panibagong araw nanaman ang sumalubong sakin tilaok ng manok palang ang aking naririnig. Bumangon ako sa aking Higaan at naupo sa tabi ng aking kama . .
Espesyal ang araw na ito . Inabot ko ang picture Frame na nasa Side table ko at tinitigan ko ito. .
Napaka ganda mo pa din . . Hindi padin talaga nakupas yan at maging ang nararamdaman ko sayo. ."Happy Anniversary"
Bahagya kong niyakap ang kanyang litrato bago ko Ibinalik sa dating kinalalagyan nito. . Tuluyan na akong tumayo sa aking higaan nag inat ng konte at ng bigla kong napansin ang Orasan 6:30 palang pala ng umaga napangiti ako dahil mas maganda ng maaga para naman makasama ko siya ng mas matagal . .
Agad na Akong nag ayos ng Sarili. . Naligo , Nagbihis at ng mukhang ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa aking kotse.
Habang nagdadrive ako ay may nakita akong Flower Shop. Tumigil ako sandali para bumili . . Pagpasok ko ng Flower Shop ay agad kong hinanap ang paborito niyang bulaklak ang daffodils. .
Ipinaayos ko ito para gawing isang boquet .
"Sir, magugustahan to ng pagbibigayan niyo. Mukhang napaka espesyal po ng taong yun sa inyo sir ah"
Tumango lang ako at nginitian yung empleyado ng Flower shop. Totoo naman napaka espesyal ng taong pagbibigayan ko nito.
Paglabas ko sa Flower Shop ay agad kong tinungo ang kotse ko binuksan ko ang pintuan at pinatong ang boquet sa may passenger seat at muli na akong nagdrive.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin dun sa mga bulaklak na nasa passenger seat . . Dahil naaalala ko yung panahong unang beses ko siyang binigyan nun haha nakakatuwa.
Nandito na ako. Tumigil ako sa isang tahimik na lugar matagal tagal din nung huling beses akong pumunta dito . .
Hinanap ko sya lumingon lingon ako inaalala kung saan nga ba sya nandon . . Habang naglalakad ako ay napatigil ako. .
"Nandito ka lang pala akala ko mapapalayo pa ako eh "
Naupo ako sa tabi niya . Tulad ng dati tahimik pa din siya . . Pero nasanay na ako . .
"Kamusta ka na? Ang tagal din bago kita nabisita medyo naging busy ako nitong mga nakaraang araw alam mo naman mag tatrabaho na ako sa company ni papa. . Medyo napepressure nga ako eh malapit na kase yung First day ko . . Sa tingin mo kaya kakayanin ko yun"
Tiningnan ko siya pero wala parin siyang imik . . Pero ok lang alam ko namang nakikinig siya sakin . .
Bigla kong naalala yung isang espesyal na bagay na binili ko sa kanya . .
"Oo nga pala may ibibigay ako sayo.
Tada haha diba eto yung paborito mong bulaklak ang daffodils haha alam mo ba kanina habang papunta ako dito naalala ko yung araw na una kitang binigyan nito halos tumalon ka sa tuwa hahaha nakakatuwa ka talaga nun"Alam kong masaya siya sa binigay ko kahit di niya sabihin nararamdaman kong sobrang saya niya haha mukha na ba akong tanga? Ganito lang talaga ako sobra ko kase siyang mahal . .
Umayos ako ng pagkakaupo. . At tumingin tingin ako sa paligid napaka sarap sa lugar na to dahil kami lang dalawa ang nandito. . Tumingin ako sa kanya at muli ko siyang tinanong. .
" naaalala mo pa ba nung unang beses tayong Nagkita??"
YOU ARE READING
Yesterday's Promise
Short StoryKung may pagkakataon lang sanang bumalik sa Nakaraan para muli kang makasama . . kung pwede lang sanang ibalik yung mga pagkakataong masaya pa tayong dalawa. . . kung pwede lang sanang baligtarin ko ang ikot ng mundo para muli kang mayakap at mahag...