(Hindi ko akalain na sa tinagal tagal ko ng panliligaw sayo sa ganung paraan lang pala kita mapapasagot haha pero alam mo janea isa yun sa pinaka masayang araw ng buhay ko . . Nang sagutin mo ko )
(Zach P.O.V.)
After 10 Hail Mary at 10 Our Father nakarating kami ng ligtas sa bahay nila Janea.
Sinilip ko ang bahay nila Janea at mukhang himbing na himbing pa silang natutulog."Hey dude time check its 3:40 " ani ni Paul
Tumingin ako sa kanilang Tatlo.
"ito na ang araw guys simulan na natin"
Sabay sabay silang tumungo at lumabas na kami ng Van . Mejo nawala naman ang kalasingan ni jhiro at kurt dahil di na sila nasigaw pero pag naglalakad sila nagewang pa din.
Binaba na namin ang kahon mula sa Van at agad tumungo sa Gate.
"ahhh Zach may suse ka ba ng Gate nila??"
Nakatingin silang Tatlo sakin at iniintay ang aking sagot ngumiti ako ng nakakaloko at saka tumingin sa kanila.
"Wala!" tipid kong sagot.
Halos manlaki ang mata nilang tatlo sa sagot ko .
"Pano tayo papasok sa bakuran nila?" tanong ni kurt habang nakatingin sa Gate.
"Zach wag mo sabihing aakyat tayo sa bakod nila?? "
Ngumiti ako kay Paul at inakbayan ko sya.
"Matalino ka talaga minsan Paul tara na mag uumaga na oh !"
Napailing silang tatlo.
Umakyat na ako sa bakod nila para matapos na kami agad para pag gising ni Janea ay masurpresa sya.Nang makapasok na kaming lahat ay agad na naming sinimulan ang pag tatanim ng daffodils. Plano kong punuin ang bakuran nila nais ko kaseng maging masaya sya ng sobra sa bawat araw niyang makikita ang mga bulaklak na ito.
"Paul anong oras na?" tanong ko kay paul habang nainom ng tubig. Tapos na kaming mag tanim at halos putik putik ang mga kamay namin
"bro mag sisix am na ahm quarter" sagot naman sakin Paul
Nakaupo kami ni Paul sa gilid ng Van sina Kurt at Jhiro naman ay himbing na himbing sa Loob ng van.
"Kurt?"
Napatingin ako kay Paul hindi sya nakatingin sakin bagkos dun sya sa bahay nila Janea nakatingin."Bakit pre?"
Sa pagkakataong yun tumingin na sakin si Paul seryoso ang mukha niya.
"Alam mo ba na ibang-iba ka simula ng makilala mo si Janea?"
Napakunot naman ang Noo ko sa sinabi niya.
"P-papanong iba??"
Nakatingin ako kay Paul ng diretso. ngumiti sya at muling tiningnan ang bahay nila Janea inangat niya ang kanyang kamay at tinuro ang mga tinanim naming daffodils.
"Sa lahat ng niligawan mo alam mo bang si Janea lang ang nakapag pa gawa sayo ng ganyang effort? "
Nakatingin lang ako kay paul at inintay ang mga sasabihin pa niya.
"ibang iba ka ngayon kung dati mga isang buwan ka lang mangligaw at di ka sinagot di mo na itutuloy pero ngayon umabot ka ng anim na buwan kay Janea pero eto pursigido ka pa din"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Paul kung tutuusin oo tama siya gusto kong minamadali ang lahat gusto ko papaspasan pero ngayon kahit yata gano katagal kaya ko mag intay para kay Janea.
YOU ARE READING
Yesterday's Promise
Short StoryKung may pagkakataon lang sanang bumalik sa Nakaraan para muli kang makasama . . kung pwede lang sanang ibalik yung mga pagkakataong masaya pa tayong dalawa. . . kung pwede lang sanang baligtarin ko ang ikot ng mundo para muli kang mayakap at mahag...