(Nung nagsimula ako manligaw sayo? Grabe dun lang talaga ako nahirapan pero sabi nga nila masarap at masaya pag pinaghirapan mo. . May pagkakataon nga na naisip ko na baka di mo ko sagutin. . Pero di ako sumuko. Mas lalo akong nagpursige na makuha ang matamis mong OO)
Zachary P.O.V.
Nandito ako ngayon sa St Claire College Sa school ni Janea kinakabahan ako. . Ilang araw kong pinag isipan kung paano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siyang ligawan. . Baka kase wala pa akong nasisimulan eh rejected na ako. .
Nakatayo ako ngayon sa harap ng Gate ng st. claire para akong batang naliligaw na palingon lingon.Naglalabasan na ang mga estudyante at halos lahat sila ay tumitingin sakin dahil siguro iba ang uniporme ko sa kanila o baka naman gwapo lang talaga ako hahaha
Hanggang sa napalingon ako sa namumukod tanging estudyante naglalakad siya mag isa may hawak siyang libro. .
Zachary eto na pagkakataon mo na .
Inhale
Exhale
Napakamot ako sa ulo. .
Tss kinakabahan ako . .
Naglalakad ako pabalik balik . .
Zachary malapit na siya anong sasabihin mo. . Nabablanko ako ng mga oras na yun para akong timang at sa muli kong pagatalikod ."NANAY KO PO!!
Nasa harapan ko na siya.
"Hi j-janea"
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko takte bakit kase napaka ganda ng babaeng to.
"Bakit gulat na gulat ka? Anong ginagawa mo dito Zachary sa school namin?"
Kinakabahan ako ramdam ko ang pamamawis ng aking noo at mga palad bumabaliktad ata ang sikmura ko . . Kaharap ko na siya kaharap ko na ang babaeng gusto ko. .sasabihin ko na ba? Natotorpe ako p*ta First time to. . Walang boses na lumalabas sa bibig ko mukhang umatras ang dila ko ng mga oras na yun. .
"GUSTO KITA LIGAWAN!!"
Nanlaki ang mga mata ni janea sa nasabi ko. . Bigla naman akong napahawak sa bibig ko . . Ang tanga ko napakagat ako sa labi ko. Halatang halata sa mukha ni Janea ang pagkagulat nakatitig lamang siya sakin at hindi umiimek. .
"S-sorry???"
Yan na lamang ang nasabi ko sa kanya . . At nang makalipas ang ilang minuto ay tumawa ng malakas si Janea. Labis kong ikinataka kung bakit siya tumawa . . Hawak hawak niya ang kanyang tiyan at humawak sa balikat ko.
"Alam mo zachary ang galing mo magpatawa eh. . Ako ? Sakin may manligaw?? Hahahaha nagpapatawa ka zach. . "
Tiningnan ko siya ng seryoso at napatigil siya sa pagtawa at tinitigan ako. .
"S-seryoso ka na liligawan mo ko? AKO?"
Tumango ako at hindi ko pa din inaalis sa kanya ang mga tingin ko .
"Oo janea seryoso ako. . Simula bukas simula na ng panliligaw ko sayo"
Kumunot ang noo niya tumingin siya sa paligid at saka tumingin sakin ng diretso.
"Pero zach--..-
Hindi pa man tapos ang sinasabi niya ay nagsalita na ako.
"Walang pero pero walang bakit bakit. . 7 am sharp susunduin kita "
Pagkatapos ko sabihin yun ay tumalikod na ako mukhang may sasabihin pa siya pero di ko na siya pinakinggan nakangiti akong naglalakad ang saya ko liligawan ko na siya. Nilingon ko siya at nakatayo pa din siya sa kinatatayuan niya kinawayan ko siya haha di parin siguro siya makapaniwala na liligawan ko siya . . Pag katapos nun ay nag dirediretso na ako maglakad.
YOU ARE READING
Yesterday's Promise
Short StoryKung may pagkakataon lang sanang bumalik sa Nakaraan para muli kang makasama . . kung pwede lang sanang ibalik yung mga pagkakataong masaya pa tayong dalawa. . . kung pwede lang sanang baligtarin ko ang ikot ng mundo para muli kang mayakap at mahag...