Mia's POV
"Now, tell me why you are here." sabi ko nang matapos kong punasan ang huling litrato na nasa table sa right side ng kama ko.
"Hindi talaga bagay sa'yo ang pagiging mabait, Mi. Mas bagay sa'yo yung maldita eh. Para naman tingin pa lang nila sa mukha mo, alam na nilang maldita ka. Hindi na nga sila nagkasala sa pagmimisjudge, eh hindi ka pa nila nasaktan, emotionally." nakaupo siya sa may uluhan ng higaan ko kung kaya't abot niya yung litrato na nandoon sa isa namang table sa left side. Kinuha niya ito at hinimas himas.
"Ewan ko sa'yo. So bakit ka nga andito?" umupo ako sa kama at kinuha ang isang unan at inilagay sa lap ko.
"To ask what happened yesterday." sabi niya na nakatingin sa picture na hawak hawak niya.
I shrugged "Nothing."
"Yeah, nothing. Nothing ordinary." ngayon ay nakatingin na siya sa akin pero hindi pa rin ibinababa ang picture na iyon.
"Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong?"
"'Cause I'm asking about the details, girl, the details. Alam ko naman kasi na romantic again. Para kasing hindi nauubusan ng romantic things ang katawan ng lalakeng yun." sabi niya na parang direng dire sa sinasabi. I just rolled my eyes.
"Long story." matipid kong sabi.
"But you can make it short." nakahilig ang ulo niyang sabi.
I let out a big sigh and just started telling her about what happened yesterday. Pag sa kulitan talaga, talong talo ako kay Chil. Tsk!
"Yuck!" ang tanging comment niya pagkatapos kong sabihin ang lahat. -_-
"Inggit ka lang." sabi ko bago tuluyang ibinagsak ang katawan sa higaan.
"Like I want to experience those." hindi ko man nakita ang reaksyon ng mukha niya, sigurado akong nag make-face yun.
Hinilig ko ang ulo ko at tumingin sa kanya "Eh kasi naman po, ang dami-dami ng admirers mo, lahat binusted mo."
"Hindi ko sila binusted, I just rejected them."
"Sige nga, give me the difference of binusted at ni-reject?" pareho lang naman kasi ang ibig sabihin nun.
"Mas harsh ang busted kesa sa rejected." tumayo siya at lumapit sa may study table ko at umupo doon.
"Pero pareho pa din. You turned them down." at pinikit ang mga mata. Walang patutunguhan ang pag-uusap namin eh.
"Haist, well back to you and Kent."
"O, ano naman ang babalikan natin dun? Eh yuck lang ang nasabi mo matapos mong ipakwento sa akin ang isang buong araw na ginawa namin." sabi ko na nakapikit pa din ang mga mata.
"Wala, dadagdagan ko lang naman yung sinabi ko." sabi niya na nakapatong ang baba sa likuran ng upuan.
"Oh, ano naman yun?" walang buhay kong tanong.
"Weird, ang weird niyo." napamulat ako sa sinabi niya at kunot-noong tumingin sa kanya.
"Yun lang ba ang pinunta mo dito? Kung yun lang, hala sige, umalis ka na. Wala kang kwentang kausap eh." at binato siya ng unan na ibinato naman niya pabalik.
"Hindi yun ang pinunta ko dito. Pagkain, yun ang dahilan nang pagbisita ko. Ang swerte mo naman kung buhay niyo ni Kent ang pakay ko diba?" oo nga pala, nasabi ko na din ba sa inyo na ang bestfriend kong ito ay food-addict? Nakakapagtaka lang kasi umaandar lang pagiging matakaw niya pag nasa loob ng bahay ko.
Tinakpan ko na lang ang mukha ko ng unan sa narinig "Eh di bumaba ka. Hindi naman siguro mukhang kusina ang kwarto ko at dito ka napunta."
"Syempre kailangan kong magpakita muna sa may-ari ng bahay bago kumain, diba?"
BINABASA MO ANG
This Playful Thing called LOVE
Teen FictionWhen she thinks it's better to LIE than to tell the TRUTH. Because she thinks she can save them from SO MUCH PAIN though they still need to feel first a LITTLE PAIN in the beginning. But what is really the difference between SO MUCH PAIN from A LITT...