PINOY vs. ZOMBIES! zombie invasion in the PHILIPPINES!

228 5 6
                                    

Naniniwala ba kayo sa mga Zombies?

Ako, hindi ! kaso noon yon. May malaki kasing nag Bago eh, nakakatuwa man isipin pero nangyari na eh.

Eh, kung sa Philippines nagkaroon ng ZOMBIES, maniniwala ka ? 

Eto na ohhhh... Nangyari na, ! tsss , hindi nga din ako makapaniwala eh, kala ko nung una , gig lang . hindi pala! at ngayon nakikipagsapalaran ako para mahanap ang safe na lugar sa pilipinas

Nakakaloko lang diba? Sa pilipinas may Zombies, isipin nyo nga kung magkakatotoo, baka panaginip lang to ehg! tss, nakakatakot na kasi , nakakabaliw na ! Ang hirap magisa no! Tulungan nyo ako at samahan sa aking mga paglalakabay at sapalaran. Dali na ! kawawa naman si ARCANA . Di bumenta ung una, pano walang kwenta .

CHAPTER 1

WaaaHHH!!!!! Gising nanaman ako!!!! buti nalang wala pang kumakain sakin! . Siya nga pala, oo tama ang balita na meron ng Zombies sa Pinas! kung pano? yan ang hahanapin ko, dalawang linggo palang noong nagkaroon , at lumaganap na kaagad ang VIRUS, ewan ko ba, sino kaya ung nagpakalat non? Badtrip! buti nalang hindi nawalan ng kuryente, patuloy na nag distribute ang electric power generators, sa tingin ko, ilang buwan lang itatagal nito ksi wala ng nagooperate at konti lang ang nilabas na suplay ng meralco dahil crisis din sila bago magkaroon ng Zombie invasion sa pilipinas.

Nandito ako sa Mandaluyong, malapit sa SM Megamall kaya hayahay ang buhay ko, kukuha nalang kasi ako, damit, pagkain, lahat ng pangangailagan ko, kahit na may mga zombies, napakadami nga eh, matapang lang talaga ako, may KATANA kasi si papa na naiwan dito eh, nasa isang condo ako dito sa Mandaluyong, may nagdadala ng FOODs! joke hehehe. Hindi ko pa nacocontact pamilya ko, nasa Quezon kasi sila eh, wala pa akong lakas ng loob para pumunta doon, nakakatakot ksi baka sobrang daming nainfect, naghahanap pa kasi ako ng may bukas na internet connection para makahanap na din ako ng kasagutan !  Pero naghahanap muna ako ng survivor dito sa amin, wala pa kasi akong nakikita eh, wala din akong kilala dito sa condo ko, Loner kasi ako, hindi namamansin, mga 20 units pala ung napapasok ko, lahat sila infected na. May daan na din pala akong nagawa para makapasok sa loob ng mall ng walang nakakapansin mga Zombies , onti lang ung zombies sa loob kasi nagsara ang SM for some technical problems kaya hindi nakabukas lahat ng way makapasok, gumawa lang ako ng madaling paraan, kung paano, sinira ko lang ung fire exit, hahahaha wala namang nakakakita eh.

Dawalang Linggo na akong naghihirap dito, di pa kasi makalayo eh, naghahanap pa ako ng mga magagamit para kung sakaling magkaaberya sa daan , hindi pala sila ung mga zombies na mabibilis, mababagal nga sila eh, pero medyo may isip , at sa tingin ko , may chance pa silang mabalik sa dati. May kasama nga pala ako, si Fury ! pusa ko, isang pusang PINOY , may mga nainfect din na mga hayop, at sila ang delikado , mga mabibilis at malalakas ang mga pang amoy nila, kaya saradong sarado ang aking condo, pumuli na ako ng pinakamataas na unit para hindi masyado maamoy. Ung pusa ko! hahahah astig nga eh, hindi sya nainfect

 CHAPTER 2

Hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako po

Si

Chelzlkie Remedios Santos. 27 yrs. old . Nakatira sa isang condo dito sa Mandaluyong pero lumaki at nagtapos ng pagaaral sa Quezon City, nagtatrabaho bilang manager sa BUGATTI Phil. bilihan ng sasakyan, nagtatrabaho ng maayos at matiwasay ng biglang magkaroon ng zombie infection sa pilipinas , two weeks ago, at kasalukuyang kumakain ng breakfast, oatmeal and coffe France na kinuha ko sa SM.

Kasama ang aking pusang si Fury ay pupuntahan namin ang aking pamilya at titignan kung hindi sila na infect, pero bago yon, kailangan ko munang malaman kung sino ang may pakana at kokotongan ko, maghahanap din pala ako ng makakasama at babaeng mamahalin, Drama! hahahaha. 

Hindi ito tulad ng walking dead, kasi nainfect lang ng virus ay ung mga buhay at hindi ung mga namatay na , kaya hindi ako nawalan ng pagasa na may lunas pa ang outbreak na ito.

Nakakasar lang kasi, kung sino man ang may pakana nito ay papatayin ko, isasako ko tapos gagawin kong Keychain , hahahaha. 

Sensya na kung parang baliw ako, kasi nababaliw na talaga ako sa nangyari, Una! Zombie sa Pinas ! ano to joke? pangalawa, walang way of communcation, pangatlo gumagana ang Electric generators , at pangapat! ako lang magisa tapos kasama ko pa isang pusa ! may panglima pa pala! whats happening on this country! free country?? ayan ginawa tayong mga zombies.

CHAPTER 3

Wednesday , January 29, 10:11 am, at the roof top of my condo building!

hahahha akin na to! 

Nagcocoffee lang si ako, nakaupo lang , tinitignan kung may tao, kasi may binocular ako.Nakahiga si Fury sa may lap ko, ang swerte ng pusang to, kung di lang kamukha ni puss in boots to, daig pa ung mga naging GF ko, wala manlang nakahiga sa Lap ko ni isa. Hawak ko pala ung Katana at ung Rifle ko, ung rifle nakuha ko lang sa isang condo unit na pinasok ko. 

Gumagana pala ung mga elivator kahit papaano, higg tech na eh! They can operate without personnel, at sa tingin ko yan na ung dahilan nung dun sa Meralco, kaso kukulangin na talaga ng supply ng electricity, di na yata tatagal na taon tong electricity eh.

2030 na kasi eh, kaya medyo high tech na, kaso , ewan ko kung pano nasira ung mga satellite ng communication , ang talino siguro ng may pakana nito, halatang alagad ng Demonyo.

20 minutes na akong nagkakape wala pa din akong nakikitang pagbabago, mga walang ya tong mga zombies na to eh, pumopose pa sa akin! tuwing nakikita ko sa bino ko , titingin tas ngingiti ! mga pilipino talaga ! Hahahahaha. 

May Zombie nga nakabarot saya eh, hahaha laughtrip kami ng pusa ko dito!

Grabe ! nagaaway ung dalawang Zombie! hehehe, ung isa walang damit, kadiri ! alam mo kung bakit?

mataba tapos puro buhok pa ung tyan! yuuccckkk!!! law law ung tiyan ! hahaha

Wala na akong magawa! nababagot na ako, ung mga laro sa loob ng condo ko, naending ko na , kahit two weeks palang, astig nga eh! God of war in 3D, ikaw mismo ung nasa loob ng game! hahaha! ganyan na ka high tech ngayon! Ntuto na din akong gumamit ng katana dahil dun sa nilaro ko, nakakuha ako ng mga moves! mala NINJA lang ang peg ko! hahahaha.

CHAPTER 4

"Whaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!! get off with me you freak!" . sabay dilat ng mata ko , tsss nananiginip nanaman ako dun sa zombies na yun, parang tanga lang nga eh, si boomer palagi ! hahaha

Date and time check 

February 01, 7:01 am

"wuuaahhhh!!! im awake na!  gud morning pussicat doll! " 

"meow". yan lang sagot nyan, kailan kaya matututo magsalita to, bored na bored na ako eh.

okey , gising. hilamos, inom ng kape , kain ng tinapay at ligo tapos rak na! may mga binuo na din akong mga rules ko hahaha

PINOY vs. ZOMBIES! zombie invasion in the PHILIPPINES!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon