"Paalam, Mahal Ko"

786 3 0
                                    

Dati, sobrang close natin
Pero habang tumatagal lumalamig ang pakikitungo mo sakin
Akala ko ako na pero hindi naman pala
Akala ko ako na pero nakahanap ka na pala ng iba
Kung sinabi mo lang talaga sakin na may mahal ka nang iba
Edi sana hindi ako ganung nasaktan at umasa.

Sabi mo sakin ako yung tipo na dapat sineseryo
Dapat minamahal at nirerespeto
Pero ano itong ginawa mo?
Ginago at niloko mo lang pala ako
Nagpakita ka kase ng motibo
Kaya ito akong si tanga, umasa naman ako ng todo
Pero sa huli ako rin pala ay sasaktan mo

Ang tanga ko
Oo, ang tanga tanga ko
Kase umasa ako sa taong ni hindi nga ako pinangakuan ng walang hanggan
Ni hindi nga ako niligawan
Pero umasa parin ako kase akala ko wala namang magbabago
Tapos makikita kita na may kasamang iba
Ang sakit eh, na akala ko ako na pero hindi naman pala
Hanggang akala lang pala talaga
Parang unti unting dinudurog ang puso ko sa tuwing maiisip na nasa kamay ka ng iba
Pero ano pa bang magagawa ko?
Eh kaibigan mo lang ako

Kahit sobrang mahal kita
Papakawalan parin kita kase una palang wala naman talagang tayo
Papakawalan kita kase alam kong niloloko ko nalang ang sarili ko
Hahayaan ko nalang kase sa kanya ka sasaya, at dahil mahal mo siya

Mahal kita eh pero ang tanong, ako, mahal mo ba?
Para akong sinampal sa sariling tanong ko
Kaya eto nalang ang sasabihin ko sayo
Paalam na, mahal ko!

Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon