Mahal, Hindi ko na matandaan ang huling araw na tayo ay nagkita
Mahal, Hindi ko na alam kung ako pa ba'y makikilala
Mahal, Hindi ko alam kung ako nga ba'y minahal mong talaga
Basta't ang alam ko lang pumikit lang ako sandali at paggising ko'y wala ka na
May sasabihin ako sayo
Hindi ako tulad ng pambura na gagamitin mo lang kapag nagkamali ka
Hindi ako tulad ng mga kumot na gagamitin mo lang kapag nilalamig ka
Hindi ako ang relo mo na titignan mo lang kapag may oras ka
Mahal, sana kahit minsan ihalintulad mo naman ako sa isang mamahaling bagay na hindi mo kayang mawala
Kase mahal, sawang sawa na ako sa mga panloloko mo
Sawang sawa na ako sa pagpapaniwala sa sarili ko
Sawang sawa na ako sa paniniwala na ako'y mahal mo
Kase mahal, sawang sawa na ako sa salitang tayo
Na parang hindi naman totoo
-fats-
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
ŞiirMga tula na minsan ko nang naranasan at tulang minsan ay hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang bawat linya na binibitawan Sana mag-enjoy kayo :) Don't forget to vote and comment :))