Meron akong lihim
Oo, tama meron akong lihim
Matagal ko na itong itinatago
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo
Natatakot akong ipaalam sa ibang tao
Sapagkat baka mapahiya lang ako
Natatakot ako na mareject mo
Natatakot ako na baka ayaw mo naman sakin
Natatakot ako na baka pagtawanan mo lang ako
Matagal ko na itong nararamdaman
Papalalim na nga ng papalalim
Itong aking lihim
Bakit ba kase hindi mo pa mapansin
Sasabihin ko sayo, napakamanhid mo
Tuwing magkasama tayo ipinaparamdam ko naman sayo
Kapag magkausap tayo sinasabi ko naman pero
may kasunod na biro kaya pinagtatawanan mo nalang ito
At hindi mo alam na seryoso na pala ako
Ngayon hindi ko na ito maitatago pa
Masyado nang masakit kapag nakikita kong may kasama kang iba
Ito na,sasabihin ko na
Mahal kita
Mahal nga kita
Ngayong alam mo na, anong sasabihin mo?
"Wag ako iba nalang"
May tanong ako, bakit ganun?
Pagka may mahal ako ayaw naman nila sakin
Diba ang sakit
Bakit ba kase ang tanga tanga ko
Dahil patuloy parin kita minamahal kahit alam kong wala akong pag asa sayo
Nasabi ko na ang aking lihim
Yung kinakatakutan ko ayun nangyari na
Pero masisisi niyo ba ako?
Eh nagmahal lang naman ako
Kaya uulitin ko, Mahal kita
Atleast nasabi ko na
Nailabas ko na
Tatanggapin ko na lang na hanggang kaibigan mo lang ako
Tatanggapin ko na lang kase noon pa man alam kong
magkaibigan tayo at dapat walang talo talo
Masaya na ako na alam kong masya ka
Basta wag mong kakalimutan na may nagmamahal sayo
Na isang katulad ko, na palaging nandito at naghihintay lang sayo.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryMga tula na minsan ko nang naranasan at tulang minsan ay hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang bawat linya na binibitawan Sana mag-enjoy kayo :) Don't forget to vote and comment :))