𝗕𝗶𝗯𝗶𝗴𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗲𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂. 𝗔𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝘂𝘄𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗞𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝘂𝗻𝘂𝗿𝗶𝗻 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗸𝗮𝗱 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗔𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝘂𝗻𝘁𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗔𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘂𝘁𝗼𝘀. 𝗦𝗮 𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗞𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗮𝘁 𝗔𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀.
ᴋᴇɴᴊɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa aking mga mata. Otomatikong napakunot ang noo ko dahil dito. Inihilig ko ang aking ulo upang iwasan ang nakakasilaw na liwanag na iyon ngunit natigilan ako. Parang nangyari na sa akin 'to.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa akin ang isang pamilyar na pader.
"Huh?" naiusal ko.
Wala sa sariling inilagay ko ang aking pulso sa aking noo. Kahit medyo pumipintig ang aking sentido, alam kong sa akin ang kwartong ito. Madilim ang kabuuhan ng aking silid bagamat tirik na tirik na ang haring araw sa labas ng aming tahanan.
Nakaladlad ang lahat ng kurtinang kulay murang kayumanggi. Maliban sa isa kung saan tumatagos ang sinag ng araw. Ito ang sumisilaw sa aking paggising.
Inilibot ko pa ang aking paningin upang siguraduhin kung nasaan ako.
Nakasabit sa tabi ng pinto ang hugis parisukat na orasang ilang taon na mula nang aming nabili. Kahalera nito ang dalawang patong na pahabang istante. Mga pigurin, aklat at ilang kuwadrong naglalaman ng mga larawan ang nakatanghal sa bawat salansanan. Pito sa mga ito ay nakataob dahil masakit makitang magkasama kaming dalawa't nakangiti sa mga litrato.
BINABASA MO ANG
Heaven's Tale ⋮ ᴏɴ ʜᴏʟᴅ ⋮
FanfictionHighest Ranks #1 Kenji #15 Rebirth #9 Wish #4 Soon #1 Shesdatingthegangster #3 Kathquen #1 Sgwannab #1 FaithInGod #1 Secondtime "Athena, I love you... This much," Ilang taon na nga ba ang lumipas mula ng matuldukan ang kanilang malagim na kuwento ng...