「 ⁱ 」

1.3K 188 129
                                    

𝗖𝗼𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗲𝗮𝗿 𝗺𝗲, 𝗢 𝗟𝗼𝗿𝗱 𝗺𝘆 𝗚𝗼𝗱

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𝗖𝗼𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗲𝗮𝗿 𝗺𝗲, 𝗢 𝗟𝗼𝗿𝗱 𝗺𝘆 𝗚𝗼𝗱. 𝗘𝗻𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗻 𝗺𝘆 𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝗟𝗲𝘀𝘁 𝗜 𝘀𝗹𝗲𝗲𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗹𝗲𝗲𝗽 𝗼𝗳 𝗱𝗲𝗮𝘁𝗵.

 𝗘𝗻𝗹𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗻 𝗺𝘆 𝗲𝘆𝗲𝘀, 𝗟𝗲𝘀𝘁 𝗜 𝘀𝗹𝗲𝗲𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗹𝗲𝗲𝗽 𝗼𝗳 𝗱𝗲𝗮𝘁𝗵

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ᴋᴇɴᴊɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ

Makulimlim ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin sa labas ng bahay nina Sara. Naka-upo ako sa marble na hagdan nila. Hangga't maaari nga ay ayokong lumabas ng aking kwarto pero dahil sa makulit kong kapatid, napilitan akong sumama dito.

Hindi pa rin ako okay at malabong maging maayos pa ako. Alam kong barumbado ako dati pero nagkaroon ako ng inspirasyong magbago dahil kay Athena. Pero ngayong wala na siya, nawalan na rin ako ng rason para mabuhay pa.

Sinisikap kong pagtuloy at makipambuno sa leche kong buhay para sa mga taong nariyan pa rin sa tabi ko. Nawalan na ako ng taong pinakamahalaga sa akin, ayokong mawalan rin sila ng kapatid, ng kaibigan at maski na kaaway sa buhay kapag nawala ako.

Kahit na tanghali ngayon, walang araw na makikita sa langit kung hindi mga mabibigat na ulap. Inilagay ko sa aking bibig ang paubos ng sigarilyo nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto sa aking likuran. Hindi ako lumingon para tignan kung sino.

Wala akong enerhiya para kumilos, mukha na nga akong naka-drugs dahil sa itsura ko ngayon.

"Kenji." Tawag sa akin ng bagong labas.

Mahina ito at pansin ko ang pag-dadalawang isip niya na tawagin ako. Matagal na mula ng huli ko siyang makita. Mula kasi nang nilibing si Athena, nagkulong na ako sa kwarto. Bihirang masinagan ng araw at madalang kumain.

Inalis ko sa aking bibig ang upos ng sigarilyo at ibinuga ang usok na namumuo sa aking lalamunan. Pagkatapos ay binitiwan ko ang upos nito at malamyang tinapakan pagkalapat sa marbol na sahig.

Nakatingala kong nilingon si Sara. Bahagya siyang ngumiti sa akin kaya sinubukan ko rin itong suklian pero bigo ako.

Maikli na ang dating hanggang siko niyang buhok, kulay light brown na rin ito na itim lang dati. Ang bilugang mga mata, ang di katangusang ilong at ang makipot ngunit mapupulang labi ni Sara ay tulad pa rin ng dati.

Heaven's Tale ⋮ ᴏɴ ʜᴏʟᴅ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon