PArt 2

12.4K 27 0
                                    

Isa lamang akong studyante.. Simple at hindi mapapagkamalang mayaman dahil hindi naman talaga. Pag naglalakad ako sa overpass ng Edsa, hindi ako natatakot na baka madukutan ako.. bakit? sa itsura ko ba naman na to, baka ni 100 pesos hindi nila iisiping meron ako.. Advantage talaga ang look na pang poor kid, kaya wag kang sumimangot pag wala kang baon sa skwela, higit na mayaman kap a sa mayayamang tambay dahil may natututunan ka.. Tabi tabi po nalang sa tinamaan ng salitang "Tambay" .. 

Tuwing weekends lang ako umuuwi sa probinsya, ibig sabihin isang beses sa isang linggo at apat na beses sa isang buwan.. KAdalasan Biyernes ako umuuwi pero minsan Sabado kung may gagawin na mahalaga sa school. Mas gusto ko na umuuwi ng Biyernes kasi discounted pa ang estudyante sa jeep ng 20% , kumabaga imbis na P10.00 ang ibabayad mo sa 30 mins. na pagtungangasa jeep at pag aabot ng bayad ng mga  sumasakay ay magiging P8.00 nalang, malaking tipid ang DOS, pambili rin iyon ng chichirya pag nagrereview. 

Nang umuwi ako isang hapon sa probinsya, isang bus ang sinakyan ko at bumaba ako sa lugar kung saan sasakay naman ako ng jeep .. Nag abang ako ng jeepney na wala masydong sakay, kahit alam ko na punuan ang ganoong oras ay umasa pa rin ako na may dadaang kakaunti ang pasahero.. Ang dami ko kasing bibit na maruming damit, gusto ko lang ng maluwag para naman hndi ako bumangga sa mga tuhod ng nakaupo nang pasahero. Hanggang sa may dumating nga, sumakay ako.. Sa side ako ng driver umupo, at katapat ko ang ilang studyente rin naman ng Private at Public colleges ... Noong magbabayad na ako ay iniisip ko pa kung sasabihin kong "STUDYANTE PO", dahil sa pag kakaalam ko ay walang student discount kapag sabado. Unfair nga ang batas na iyon eh, hindi naman nagbabago ang imahe ng studyante pag saturday , studaynte pa rin tayo ng ganung araw, parehas lang ang baon natin pag saturday kumpara sa mon-fri di ba? wala namang nagbago, siguro sa iba meron kasi washday nila ang saturday, ibig sabihin kahit anong suotin mo okay lang..basta wag lang i\lilitaw ang tinatago mong kayamanan sa katawan.. So, nagbayad na nga ako, pero hindi na ko nag salita.. P13.00 lang ang binayad ko, diniscountan ko ang sarili ko ng DOs habang walang kamalay malay ang driver na nakupitan na sya ng wais nyang pasahero.. HIndi rin naman kasi nya tinanong kung san ako bababa eh, basta tinaggap nya lang ang bayad ko.. Syempre tatahimik nalang din ako, baka mahalta pa nilang guilty eh!

Ilang minuto lang may nagbayad na binatilyo "Bayad po, pakiabot, Studyante po", inabot naman ng babaeng nasa tabi nya ang bayad at ipinasa sa nasa tabi rin nyang babaeng kaibigan, sa hindi inaasahang pangyayari biglang nagsalita ang kaibigang babae ng babaeng pinagabutan ng bayad. (Gets mo? basta yun), pangalanan nalang natin syang Chubby, at ang inabutan ng bayad ng lalaki ay si "Whitey" at ang lalaki ay si "Pogi".. Sabi ni Chubby kay Whitey "May studyante ba pag saturday??"(full of emotions and facial expression) .. tumawa lang si Whitey na parang iniinsulto si Pogi.. si Pogi naman ay tahimik lang at hindi nagsasalita..  Isa lang ang sigurado, narinig ng lahat ng nakasakay sa jeep ang sinabi ni Chubby at ang tawa ni Whitey.!

Pareparehas kaming studyante, ako, si Chubby, si Whitey at si Pogi. Alam ko na walang discount ang student pag saturday.. Tama naman si Chiubby dun eh, tama sya na walang student fare pag saturday.. Pero meron din syang pag kakamali, at iyon ay ang ipahiya si Pogi sa isang public vehicle. Ipinamukha nyang walang alam si Pogi sa batas ng mga buwayang nakaupo sa ginto. Tama sya ng 20 % pero mali sya ng 80%.. tsk.. WAG TUTULARAN... NAKMAMATAY.!

sa pagninilaynilay ko ng pang yayari, bigla ko nalang din na isip na "BUTI NALANG.."..

Buti nalang hindi ako nagsalita ng "bayad po ,studyante po", dahil kung ganun ang nangyari, malamang sa malamang ako ang ginisa ni Chubby at Whitey at hindi si Pogi..!! at sa malamang , ikwekwento ko rin iyon sa inyo, at siguradong papangalanan ko ang sarili ko bilang "Tangee" :)

Sa Loob ng Banyo ^^,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon