Part 3

7.4K 20 4
                                    

uSAPANG TOOTHBRUSH NAMAN TAYO...

Wag kang magtake advantage sa pag gamit ng toothbrush.. Tipong pag may pasok o opisina ka ay ang sipag mong mag toothbrush..Pero pag walang pasok at day off mo ay day off na rin ng iyong minamahal na toothbrush.. Wag ganun, bahala ka baka biglang magalit ang ngipin mo sayo eh mag welga yan at iwanan ka.. Kaya nga nangingitim yan kasi nagdadalamhati, pinapatay mo kasi sila sa ginagawa mong hindi pagtotoothbrush. May damdammin din sila, di mo lang alam. At bahala ka sige baka maunahan ka pa ng pesteng ipis na gamitin ang tootbrush mo para toothbrushan ang malilinis nilang mga paa... 

Bukod sa pagdaday off ng mga toothbrush, meron din namang masisipag na nag oOT - nag oovertime kumbaga-, ito yung mga toothbrush na lampas 3 months na eh ginagamit pa.. Yung iba nga inaabot ng taon ang toothbrush. Naalala ko tuloy nung bata ako, nahihiya akong bumili ng toothbrush sa tindahan, akala ko kasi iisipin nila na hindi ako nagtotootbrush kaya bumibili ako.. Bata lang ako noon, hindi ko naman alam na 3 months lang pala dapat ang itinatagal sayo ng toothbrush mo, malay ko ba? wala namang kinalaman sa pakikipag laro ng Jolen at Teks o ng patintero at batohan Bola ang toothbrush! Pero ngayon ay alam ko na, at nais ko ring malaman mo na ang toothbrush ay pinapalitan, hindi ito tulad ng damit na pwedeng tumagal ng ilang taon.. Wag mo paabutin ng 3 years bago itapon si toothbrush.. May mga bagay talaga na dapat isinasantabi kasi baka imbis na makabuti ay makasama pa..

Wag kang mahiyang mamalengke ng toothbrush!! Kadalasan , nakikita ang kalinisan ng tao sa kanyang ngipin.... Kapag may tartar yan, kokonti ang papatol at kakausap sayo.. Lalo naman kung makikita nilang nakasabit pa sa ngipin mo ang ulam nyo nung nakaraang linggo..  Kaya naman, pagpapasok ka ng banyo, idamay mo na ang sipilyo.. Para deretcho linis ka na rin ng ngipin mo :)) maawa k kay Ozone layer, dumadagdag pa ang hininga mo sa air pollution na problema ngayon ng mundo.. tsk!! toothbrush toothbrush din pg may time!

Sa Loob ng Banyo ^^,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon