Part 6

2.3K 16 0
                                    

       Naranasan mo na ba yung napatingin ka sa lababo nyo at narealized mo na daig nyo pa yung karinderya sa tapat bahay at restaurant sa kanto sa dami ng pinggan, kutsara,tinidor, mangkok, platito't basong mataas pa sa bewang mo pag pinagpatong patong ? :) lalo na ngayong katatapos ng celebration ng Christmas at New year, siguradong nailabas nanaman ni nanay ang mga nakatago nyang plato sa tukador at aparador! at ikaw naman bilang anak at bilang dishwasher na rin sa okasyong ito o kahit sa ordinaryong araw ay walang ibang masasabi kundi "Napalingat lang ako saglit, may hugasin nanaman! Anu ba yan! Walang katapusan ah!", aminin mo, isa sa mga ayaw nating mga kabataan yung mabasa ang kamay lalo na kung maghuhugas lang pala ng pinggan.. Halos iwasan mo nga ang lababo everytime na may laman ito. Halos ayaw mong lumabas ng kwarto hanggat di mo naririnig na kumakalantog ang pinggan at baso sa paghuhugas ni nanay... at pag nakita mong malinis na ang lahat , pag okay na ang lababo at wala na itong laman. Uumpisahan mo ng kunin ang toothbrush.. Haharap ka pa sa salamin habang iniisip "Woo, salamat!LIGTAS na sa hugasin!". :)) 

       Oo, ganun ang marami saatin eh, mabigat ang katawan sa gawaing bahay! Pero di mo ba naiisip ? Na kung walang hugasin, ibig sabihin ay wala ring pag kain? Na kapag maraming hugasin, ibig sabihin marami ring nakain? WOW!!!! na dapat pala magpasalamat ka sa tuwing makikita mong may hugasin kayo, dahil may biyaya nanaman si Lord na ipinag kaloob, na may pinagsalusaluhan ulit kayo sa umagahan, tanghalian, at hapunan.. na kaya hindi nauubos ang laman ng lababo, ay hindi, dahil tinatamad lang kayong hugasan ang mga nakalagay dito kundi dahil wala ring katapusan ang biyayang ibinubuhos ni Lord sa inyo :) .. Idagdag mo nalang sa ipagpapasalamat mo kung si Nanay, si Tatay, kuya , si ate o si bunso ang naghugas ng pinagkainan para sayo.

Tandaan mo 2014 na ngayon, ibahin na natin ang tingin natin sa mga hugasin.. wag mo nalang sila basta daan daanan, pansinin mo naman yung biyayang inenjoy nyo tapos hugasan mo.. Para pagbalik mo sa lababo, may hugasin ka nanamang tatapusin.. :)) at may sasabihin ka nanamang " SALAMAT LORD SA BLESSINGS!" :)

------------------------------

ahahah same thing sa labahin, plantyahin, linisin sa bahay..  Tipong akala mo gawain lang sila na nakakapagod, na hindi natatapos, na walang katapusan pero pag narealized mo na kaya sila nageexist ay dahil resulta lang sila ng Blessings na galing kay Lord....... baka gustuhin mo ng makakita palagi ng hugasin, labahin, plantyahin , linisin. . . at nakangiti ka na habang tinatapos mo ang mga gawaing ito....... Dahil OO, silay hindi punishment sa tao, silay hindi pasakit sayo, at mas lalong hindi sila magiging sakit sa ulo kung papansinin at gagalawin mo....... dahil ang mga ito ay Blessings in Disguise... na dapat Ipagpasalamat sa nasa itaas na nagbubuhos ng biyaya mula sa langit, papunta sa mundo mo.. :))

AMEN!!!  :)) 

#ifYoujustRealized. :)

#NewMindSet :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Loob ng Banyo ^^,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon