Part 4

4.1K 19 2
                                    

Isang araw habang nasa loob ng banyo ay narinig ko ang boses ng kapitbahay namin, hindi ko na babanggitin ang pangalan dahil baka makilala nyo pa at ibalita nyong ichinichismis ko sya.. Habang pinapakinggan ko ang boses nya ay naaalala ko rin yung araw na inutangan nya ako. Sabi nya ibabalik nya raw kinabuksan, pero hanggang ngayon ay wala.. Wag mo ng alamin kung gaano na katagal ang lumipas.. 

Pero bakit kaya ganon hano? Pag nakakasalubong ko sya ay nahihiya ako.. Bakit kaya yung nagpautang pa ang nahihiya sa nangutang? Kung tutuusin wala kang dapat ikahiya, pwede mo syang singilin.. Pero bakit kaya merong kakaiba sa pakiramdam mo na nagsasabing "Nakakahiya". 

Nahihiya ka ba na singilin sya? Siguro.. Eh bakit sya hindi man lamang maisip na batiin ka.. Yung ibang nangungutang nga nagmamataas a pag siningil, yung iba naman sila pa ang galit!! Nung bata nga ako ay may nadaanan pa akong nag aaway sa kalye dahil sa utang.. Sabi ng naninigil "Hoy, magbayad ka na... ang tagal na ng inutang mo!".. ang sagot na nangutang 'SINABI NA NGANG WALA AKONG PERA!! MAG BABAYAD AKO PAG MERON NA!!!" , As in, mas mataas pa ang boses ni Mrs.Utang kesa kay Mrs.Singil..

Agrabyado ang naniningil, kaya ayun umalis nalang dahil baka kuyugin sya ng mga tao sa lugar na yon.. Bakit? eh lahat kasi sila may utang sa kanya.. ang saklap nga lang kasi lahat din sila ay hindi nagbabayad... walang isang salita.. magaling mag paawa pero hindi marunong mag bayad... 

Palagay ko kaya sila ganon ay dahil sa mind setting na "Walang nakakasuhan sa hindi pagbabayad ng utang" , Psssst... ayon sa Sec. 20, Art. III ng 1987 Constitution that "no person shall be imprisoned for non-payment of debt." at ayon nga sa www.akoaypilipino.eu "Nasa batas ng Pilipinas na walang makukulong sa hindi pagbabayad ng utang ngunit kung ang utang ay gawa ng talbog na tseke o may panloloko, pwedeng ipakulong ang umutang. "

Malas hano? Pero wag mag alala ang nagpautang kasi maaari namang singilin ng Small Claims court na itinatag ng Supreme Court ang inutang sayo kung ito ay hindi lalagpas sa 100,000..

Ayon ulit sa akoaypinoy.com.eu "Under S.C. Administrative Matter No. 08-8-7 otherwise known as "Rule of Procedure for Small Claims Cases", ang isang utang galing sa pagpapaupa, pagpapahiram ng pera, serbisyo na ginawa, bentahan, sanglaan, kapabayaan o kontrata na ang sinisingil ay hindi lalagpas sa P100,000 ay pwedeng isampa sa Metropolitan Trial Court - Court of Small Claims kung saan gagawa lang ng complaint ang naniningil at agad na pasasagutin ang umutang.

Pagkatapos ng isang hearing ay magdedesisyon na kinabukasan ang korte sa kaso. Nasa Section 17 din ng rules na ito na bawal ang mga lawyer sa ganitong kaso except kung ang lawyer mismo ang nagsampa o sinampahan ng kaso."

:) O di ba.. ibigsabihin lang nyan ay may pag asa pang masingil ang inutang saakin.. at sayo rin! Pero mas pipiliin ko na sigurong wag na lang singilin kesa maistorbo ang schedule ko sa pag punta sa Korte.. tutal P100 pesos lang naman ang inutang eh.. Barya nalang yan ngayon lalo na sa mga Politiko.. Baka sipain lang  ako ng kinauukulan palabas kesa asikasuhin ang aking apila!

Sa mga umuutang naman, aba eh hinayhinay lang sa salita.. Maging mabait tayo sa naniningil, tandaan mo.. ikaw ang may atraso... mag bayad ka.. para may mauutangan ka pa sa "Susunod".. *ehem!

Sa Loob ng Banyo ^^,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon