Chapter 31

25.2K 423 8
                                    


Enjoy reading!

Ezekiel's PoV,

NARITO ako ngayon sa office ko. Hindi nga dapat ako papasok ngayon kung walang emergency meeting sa company. I missed her. Lahat-lahat sa kanya ay namiss ko.

Gusto ko sana sa kwarto ko siya matulog pero ang tigas ng ulo. Doon pa rin siya natulog sa kwarto niya. Ngayong napabalik ko n siya ng pilipinas ang tanging gagawin ko na lang ay manatili siya sa akin.

I will do everything para manatili siya sa akin. Bibigyan ko siya ng rason para hindi siya umalis ulit. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Pasok." Sagot ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang sekretarya ko.

"Sir, Mr. Hovers is here. He wants to talk to you." Sabi ng secretary ko.

"Papasukin mo." Sagot ko. Maya-maya ay pumasok na si Mr. Hovers.

"Good afternoon po, dad. Have a sit." Bati ko sa daddy ni Allianah at tinuro ang upuan.

"Kumusta ang plano natin?" Nakangiting tanong niya.

"Okay lang po, dad. Nasa bahay po siya ngayon." Sagot ko.

"That's good. Papuntahin ko na siya sa restaurant, hijo. At ikaw na ang bahala." Sabi ni daddy Harold.

"Okay po, dad. Thank you." Sabi ko.

"Welcome, hijo. Basta huwag mo na siyang pakawalan ulit. Dahil gusto ko ikaw lang ang magiging son-in-law ko. At gusto ko ikaw lang ang magiging ama ng mga apo ko." Nakangiti niyang sabi at umalis na.

Napangiti naman ako sa huling sinabi niya. Ang magiging ama ng mga apo niya. Paano kaya kung buntisin ko na lang si Allianah para hindi na siya ulit umalis. Good idea rin naman 'yon.

Asawa ko naman siya. Kasi hindi ko pinirmahan ang divorce paper na binigay niya sa akin noon. Nagtataka kayo kung bakit kasama ko sa plano ang daddy ni Allianah? Kasi alam niya na hindi ko naman sinasadya ang nangyari dati. At alam niya na mahal na mahal ko ang anak nila. Kaya tinulungan niya ako para mapabalik ng Pilipinas si Allianah at bumalik ulit sa akin. At sisiguraduhin ko na hindi na siya makakawala pa sa akin muli.
-

Allianah's PoV,

Late akong nagising kaninang umaga. Pag gising ko ay wala na si Zeke. Sabi raw ni manang Tess ay may emergency meeting daw sa company niya. Mga palusot niya bulok. Siguro magde-date sila ni Pauline.

Hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya. Dahil kapag naniwala ako masasaktan na naman ako. And by the way narito ako ngayon sa mall. Namimili ng mga damit para sa susoutin ko mamaya sa pakikipag kita sa kasama ko raw para sa restaurant ko. Wala raw tiwala sa akin si daddy. Baka raw malugi.

Kaya kumuha siya ng isang tao para makasama ko sa Restaurant. Restaurant lang naman iyon. Pagkatapos kong bumili ng damit ay naglalakad na ako palabas ng mall nang may nakabangga akong lalaki.

"Sorry po, kuya." Paghingi ko ng sorry.

"Allianah?" Napataas ako nang sinabi niya ang pangalan ko.

"Ivan?" Ako at niyakap siya. God, namiss ko 'tong lalaking 'to. Bumitaw ako sa pagkakayakap.

"Kumusta ka na?" Tanong ko.

"Ako nga dapat ang magtanong niyan sa 'yo. Kumusta ka na?" Taning niya at tumawa.

Simula kasi nang umalis ako ng Pilipinas dati hindi ko na siya naka-usap man lang. Hindi ko nga alam kung nakapagpasalamat ba ako sa kanya o hindi nang hinatid niya ako sa condo ko noo.

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon