Chapter 12

26.9K 494 5
                                    

Enjoy reading!

Allianah's PoV,

KINAUMAGAHAN, pagkagising ko ay agad akong nag-ayos at bumaba na. May naamoy akong luto. Teka! May nagluluto sa kusina? Sino naman kaya? Baka naman may nakapasok na mag nanakaw! Kung magnanakaw 'yon bakit siya nagluluto sa kusina? Hindi ba dapat sa mga kwarto siya di-diretso?

Agad akong pumunta sa kitchen at sinilip kung sino 'yong nagluluto. May nakita akong medyo matanda na babae. Nakatalikod kasi siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. Unti- unti akong lumapit hanggang sa biglang humarap 'yong babae! Manang Tess?

"Ay kabayong walang ulo! Naku! Ikaw bata ka mamamatay ako sa gulat sa iyo!" Gulat na sabi ni manang Tess habang hawak-hawak ang sandok.

"Sorry po manang Tess. Akala ko po kasi may nakapasok na sa bahay. 'Tsaka bakit po kayo nandito?" Paghingi ko ng sorry kay manang Tess.

"Pinapapunta ako rito ni Sir Zeke. Para magluto at maglinis," sagot niya.

"O siya! Kakain ka na ba? Sandali na lang 'to." Tanong ni manang Tess at kumuha ng plato at nilapag sa mesa.

"Si Zeke ba hindi pa gising?" Tanong ni manang Tess.

"Hindi pa po ata," sagot ko.

"Puntahan mo muna at gisingin para sabay na kayong kumain." Utos sa 'kin ni manang.

Ano ba naman 'yan. Ano siya bata para gisingin pa? Ang laki na niya para gisingin pa!

Wala akong nagawa kaya naglakad na ako papunta sa kwarto ni Zeke.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya pero wala pa ring sumasagot. Tulog pa ba siya? Kumatok ako ulit pero walang sagot. Sinubukan kong buksan ang pinto niya. Nagulat ako kasi hindi naka-lock ang pinto niya. Hindi niya ba nila- lock ito?

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siyang tulog pa sa kama niya. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko muna siya ginising. Pinagmasdan ko muna ang mukha niya. Ang ganda kasi ng mga mata niya. At saka ang tangos ng ilong. Ang amo ng mukha niya kapag tulog siya. 'Tsaka ang mga labi niya ang pula at parang ang lambot. Ang sa--ano kaba naman Allianah! Kung ano-ano mga pinag-iisip mo! Pinag nanasaan mo si Zeke!

Niyugyog ko ang balikat niya para gisingin.

"Hhhmmm," ungol lang ang sagot niya.

"Gising na. Kakain na raw." Sabi ko sa kanya. Hindi ko pa rin tinitigilan ang pagyugyog sa balikat niya.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilain kaya napahiga ako sa tabi niya! Damn it!

At bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Yung parang hindi niya ako papakawalan. God! Ang mukha niya kasi nakasubsob sa leeg ko. Kaya ang mainit na paghinga niya ay nararamdaman ko sa leeg ko.

"I miss you sweetheart," paos niyang sabi sa tainga ko. Dahil sa narinig ko ay hindi ako nakagalaw.

Hindi rin nakapagsalita. At ito na naman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko sa tuwing magkadikit ang mga balat namin. At ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Dito muna tayo kahit saglit lang," bulong niya ulit sa tainga ko. Damn! Ang puso ko kasi ang bilis ng tibok! Gusto kong umalis sa pagkakayakap niya pero ang katawan ko ay ayaw makisama.

Kaya hinayaan ko na lang na yakapin niya ako. Yakap lang naman. Pagkatapos nang yakapan namin ay bumaba na kami. Mabuti nga hindi nagtanong si manang Tess kung bakit kami natagalan.

-

Kinaumagahan ganoon pa rin ang routine ko. Gigising ng maaga, pupuntang banyo at maligo. Tapos ay magbibihis at bumaba. At pagkatapos ay kakain at ihahatid ni Zeke sa school.

Pagdating ko sa school ay binuksan ko na kaagad ang pinto ng sasakyan. Akmang lalabas na ako nang magsalita siya.

"Where is my goodbye kiss?" Nakangiti niyang sabi. Inirapan ko lang siya. Hindi ko kasi alam kong ano ang isasagot ko.

"Come on Allianah, kahit sa pisngi lang," seryoso niyang sabi. Seryoso talaga siya sa sinabi niya?

Pero sige na nga, sa pisngi lang naman. Hindi naman sa labi. Inilapit ko ang mukha ko sa pisngi niya. Hahalikan ko na sana siya sa pisngi nang bigla siyang humarap sa 'kin kaya sa labi ko siya nahalikan. God! Ang first kiss ko! Damn it! Tumagal ng ilang segundo ang halik namin.

Nakita ko siya ang lapad ng ngiti ng impakto! Dahil sa hiya ko at namumula na ako aydali-dali akong lumabas sa sasakyan at tumakbo. Ang first kiss ko ninakaw niya! Walang hiya kang Ezekiel ka!

Pero bakit ang isang bahagi ng puso ko ay kinikilig! Shit! Ano ba itong nangyayari sa akin.

"Hoy bruha, bakit ka tulala riyan?" Nagulat ako nang binatukan ako ni Carla.

"Ikaw ha! Bigla ka na lang ng babatok," sabi ko at sabay binatukan ko rin siya. Si Jessa naman ay tawa lang nang tawa sa 'min.

"Sorry na! Bakit ka kasi tulaley riyan?" Tanong niya habang hawak ang ulo niya.

"Eh kasi..ano e," hindi ko masabi sa kanila.

"Anong e kasi ano e?" Tanong naman ni Jessa. Sasabihin ko ba sa kanila? Mga Bestfriends ko naman sila. Hindi ko talaga makalimutan ang halik niya. Parang ramdam ko pa ang labi niya hanggang ngayon.

"Kasi hinalikan ako ni Zeke kanina," nakayuko kong sagot sa kanila. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanila.

"What?" Sabay nilang sabi.

"OMG girl, anong pakiramdam ng hinalikan? Masarap ba ang halik? Malambot ba ang labi niya? Ano?" Kinikilig na tanong sa 'kin ni Carla. Basta kiss ang pinag-uusapan ang daldal. Mabuti walang tao sa room namin dahil recess.

Hindi ko siya sinagot at tumayo ako at lumabas na lang ng room. Kakain nga muna ako baka gutom lang 'to. Hindi talaga ako maka-move on doon sa halik. Pero hindi ko alam kung bakit kinikilig ako.

-------

Thank you for reading!

©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2016

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon