Chapter 42

28.9K 434 2
                                    


Enjoy reading!

Allianah's PoV,

PAGKATAPOS naming maglakad-lakad ni Ivan at kumain ng ice cream ay napagpasyahan na naming umuwi. Ihahatid niya pa sana ako kaso may dala akong kotse. Pagdating ko sa bahay namin ni Zeke ay gabi na. Narito na kaya siya? Siguro naroon pa 'yon kay Pauline.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nakita ko si Zeke na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa 'kin. Biglang akong kinabahan sa pagtitig niya sa 'kin. Pero hindi ko pinahalata 'yon. Nagtuloy ako sa paglalakad at akmang lalagpasan ko na siya nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. Muntikan na akong matumba.

"Where have you been?" Mariin niyang tanong.

"S-sa P-park." Nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot.

Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Liar."

"Z-zeke, nasasaktan ako. Ang braso ko," sabi ko. May namumuo ng luha sa mga mata ko. Ayaw kong umiyak sa harap niya.

"Sino ang kasama mo?" May diin niyang tanong.

"S-si Ivan!" Sagot ko at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.

"Tandaan mo 'to, Allianah. Akin ka lang. Your body, and your soul. You're mine!" Galit niyang sabi. Biglang tumulo ang luha ko.

"Hindi mo ako pagmamay-ari, Zeke. Dahil ngayon mismo aalis na ako dito!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Subukan mo lang, Allianah. Mawawala lahat ng pinaghirapan ng mga magulang mo kapag umalis ka ng bahay na 'to!" Tiningnan ko siya ng masama.

"W-what do you mean?" Takang tanong ko sa kanya.

"Hawak ko ang kompanya niyo, Allianah. Sa 'kin ibinilin ng daddy mo bago siya mamatay." Sabi niya. Paanong nangyari 'yon?

"No! Sa 'kin binigay ni dad ang kompanya!" Matapang na sabi ko.

"Then, ipakita mo sa 'kin ang pirma mo kung sa 'yo mismo ibinilin ng daddy mo ang kompanya niyo." Sabi niya at may nilapag siya sa mesa na isang envelope.

Kinuha niya ang laman at binigay sa 'kin. Nakita ko roon ang pirma niya at pirma ni dad na nagpapatunay na sa kanya ibinilin ang kompanya. Bakit sa kanya?

Tumakbo na lang ako papunta sa kwarto ko. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng lalaking 'yon. Matapos ko siyang makita kasama si Pauline tapos aagawin niya pa pati ang kaisa-isang kompanya ng magulang ko. I hate him.

Iyak lang ako ng iyak sa kwarto ko. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan. Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si Zeke na may dalang tray ng pagkain. Nilapag niya iyon sa bedside table ko.

"Kumain ka na. Hindi ka sumabay sa 'kin kanina." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Nakatalikod ako sa kanya.

"Wife, I'm sorry. Kumain ka na. Makakasama 'yan sa baby natin." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala buntis ako. Kawawa naman ang baby ko. Nagutom. Napabangon ako.

"Say, ah." Hawak niya na ang plato ng bumangon ako.

"Kaya ko naman kumain." Sabi ko at akmang kukunin ko na ang plato nang ilayo niya sa 'kin 'yon.

"Susubuan na lang kita. 'Wag ng matigas ang ulo." Sabi niya at inilapit sa 'kin ang kutsara na may kanin. Wala akong nagawa kundi ang kainin 'yon.

Pagkatapos kong kumain ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Kaya wala siyang nagawa kundi ang lumabas ng kwarto dala-dala ang tray.

Married To The Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon