Once i was happy.
Pero nag bago lahat yun sa isang iglap.
Pwede pala yun no?
Yung saya mo biglang mapapalitan ng lungkot.
Yung tawa mo mapapalitan ng lungkot.
Yung akala mo yung saya eh pang matagalan na.
Yun pala ang pagiging masaya may kapalit pala.
Minsan iisipin mo na sana di na lang ako naging masaya.
Na sana umayos na lang ako.
Maraming sana.
Kaso puro na lang sana.
Nakakatawa na minsan ka na nga lang maging masaya babawiin pa.
Mararanasan mong makulong sa lungkot.
Pakiramdam mo mag isa ka na lang sa mundo.
Doon tutulo yung luha mo.
Doon mo maiisip lahat lahat.
Mga tanong sa isip mo.
"Bakit mo pa ako minahal kung iiwan mo rin naman pala ako?"
"Sabi mo hindi mo ako sasaktan?pero ano to?nasasaktan ako eh.sobra."
Totoong laging nasa huli ang pag sisisi.
Pero pano tayo matututo kung di tayo magkakamali?
Oo hindi na mababalik pa ang mga panahong nasayang na.
Pero pwede naman ulit bumangon hindi ba?
Mag simula ulit...
Mahal mo pa kaya ako?
Ako pa rin kaya?
Hanggang ngayon kasi ikaw pa rin eh.
Pwede pa bang maayos?
Kahit hindi na maibalik.
Maayos lang natin
Yung dating tayo.
Minsan sa buhay kailangan mong matutunan sa buhay ang magpahalaga.
Pahalagahan ang bawat oras. Dahil napakahalaga nito.
Once na masayang mo ni segundo nito hinding hindi mo na maibabalik pa kung ano ang sinayang mo.
Kaya kung kaya mo,
Gawin mo.
Dahil sa huli hindi ka lang magsisisi.
Mahihirapan ka.
Masasaktan ka.
Lahat may choices e.
At nasayo kung anong pipiliin mo.
Ang maging masaya,
O mag suffer sa huli.
ⓒ__nickelodeon
All rights reserved.
YOU ARE READING
Ang Dating Tayo
RomanceMga panahong lumipas? Mga panahong nasayang? Kahit kailan hindi mo na maibabalik pa. Dahil ang tapos na, Ay tapos na.