Syram's POV
"Ang weird naman nung taong yun."Kanina sa jeep kinanta ko lang yun umiyak na siya tapos ngayon.
"Bakit mo pinatugtog yun?"Tanong sakin ni loraine.
"Favorite kasi namin ng papa ko yun e.Bakit?"Tanong ko pabalik.
"Ah i see.Hmm,wag mo na muna ulit patutugtugin or kakantahin yun ah?"Sabi niya sakin.Ano bang meron sa kantang yun?
"Kasi may tragic memories siya sa kantang yun na pag naririnig niya may bumabalik na ala-ala sa buhay niya na ayaw na ayaw na nyang balikan."Tugon niya sakin ng may mapait na ngiti sa labi niya.
"Kung gusto mong malaman,si kuya yurky ang tanungin mo yun ay kung sasabihin niya sayo."Pabulong niyang tugon sakin.
Tok..tok..
"Tara kakain na tayo."Tawag ni yurky sa amin.
"Tara na syram."At sumunod na ako sa kanila.
Walang kibuan sa hapag kainan kung kaya't ako na ang bumasag nito.
"Ako na ang mag huhugas ng mga pinagkainan natin mamaya.Ah eh para makatulong rin po ako.Salamat nga po pala sa pagpapatuloy sa akin dito sa inyo."Tugon ko sa kanila tanging ngiti lang ang natanggap ko maliban sa isang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Tutulungan kita.Ako magbibigay sayo ng mga gagawin mo okay?"Kaya naman pala malungkot ng mga mata niya tuwing tititigan ko siya.
"Huy nakikinig ka ba?"
"Ah eh,Oo."Sungit talaga!
"May alam ka naman sa gawaing bahay no?Sa trabaho ipapasok kita sa pinagtatrabahuhan ko sa una mahirap pero pag nagtyaga ka sisiw na lang sayo yun.basta wag mo lang akong ipapahiya.Okay?"Napakaseryoso naman niya.Hay ang lungkot lungkot ng mga mata mo.
"Bakit mo ba ako tinititigan?Ayoko ng tinititigan ako okay?So nagkakaintindihan na ba tayo?"Daig pa neto ang nag memenopause na matanda eh.
"Sir yes sir!"sabay saludo sa kanya.
"Sige na mag hugas ka na.ako ng bahala dito sa iba."Ginawa ko na lang ang sinabi niya.
"Hay masipag,gwapo at matyaga.kaso ang sungit sungit naman."bulong ko sa sarili ko.
"Alam mo ikaw isa na lang iisipin kong nababaliw ka na."Tugon niya sakin.Aba talaga!
"Anong sabi mo?!"bulyaw ko sa kanya.
"Hoy hinaan mo boses mo kung gusto mo pang mag tagal dito."Banta niya sakin.Asar!!
"Opo ser.tapos na po ako ser."Pabalang kong tugon sabay irap.
"Sige na matulog ka na."Naglakad na siya papasok ng kwarto niya.
"Di man lang nag go--
"Goodnight"Hehe sabi ko nga nag goodnight siya eh late lang.
"Ah eh goodnight din hehe."At pumasok na rin ako ng kwarto.
"Ang sungit kainis!kainis!kainis!"bulong ko sa sarili ko.
"Sinong kausap mo dyan?"Sabat ni loraine na ikinagulat ko pa.
"Ayy wala hehe sige goodnig-
"Pag pasensyahan mo na si kuya yurky.Ganon talaga yun mas malamig pa sa yelo mas masungit pa sa maldita pero napakabait nun.masipag at matiyaga.Makakasundo mo yun basta sinusunod mo siya."Tugon ni loraine sa akin.ang interesting naman niya.hehe
"Kami ang tinuturing niyang pamilya.Kahit pinsan niya lang kami ni lax kapatid ng turing niya sa amin.thankful kami kay kuya yurky."Dagdag pa niya.
"Sige na matulog na tayo,ayaw ni kuya sungit ang nalelate.Goodnight and Goodluck."Pahabol pa niya bago matulog.
"Goodnight loraine.thanks."
Kaya ko to!
Fighting!!!!!!!
--to be continued.
YOU ARE READING
Ang Dating Tayo
RomanceMga panahong lumipas? Mga panahong nasayang? Kahit kailan hindi mo na maibabalik pa. Dahil ang tapos na, Ay tapos na.