C h a p t e r 1

44 0 0
                                    

Yurkyng's POV

"Ano ba naman kayo? Tanghali na magsibangon na kayo!"Hay nako.Sumabog nanaman ang pinatubo.

"Oyy bangon na.nagagalit nanaman nanay nyo."Yugyog ko sa pinsan kong tulo laway pa kung matulog.

"Kuya maaga pa.Mamaya na."Tugon nya at sabay takip ng kumot sa mukha niya.

"Hayy bahala kayo dyan.Mamaya nandito na yang nanay nyo at may dala nanamang tambo.Haha.Aalis na ako."Tugon ko kay Lax bago lumabas ng pinto.

"Hay nako!mabuti ka pa Yurky may disiplina.Kaya swerte ang mga magu--Ay osya kumain ka na bago ka kumain at ako'y mag wawalis lang ng mga tamad doon."Tugon ni tita bago pumasok sa kwarto namin ng pinsan ko.

Mag isa ko na lang sa buhay. Wala na akong mga magulang. Mag isa ko ng binubuhay ang sarili ko pero tumutulong ako sa tita jas ko dahil siya ang kumupkop sa akin noon.

"Tita alis na po ako."Sigaw ko kay tita bago ako lumabas ng pinto.

"O sya sige mag ingat ka yurky!"Sigaw pabalik sa akin ni tita dahil nandoon sya sa kwarto ng mga pinsan ko at alam nyo na.

Habang naglalakad napansin ko ang isang matanda na nakaupo sa gilid ng kalsada na mukhang pagod na pagod na kung kaya't nilapitan ko agad siya.

"Lola ano pong nangyari?may masakit po ba sa inyo?napano po ba kayo?"Tugon ko kay lola habang tinitingnan kung may sugat o napano siya.

"Naku anak salamat pero maayos naman ako.napagod lang ako dahil mabigat itong dala ko."Tiningnan ko ang dala ni lola at napakadami nga nito.

"Saan po ba kayo lola at tutulungan ko na kayo."Tugon ko at binitbit isa isa ang dala ng matanda.

"Isakay mo na lamang ako ng tricycle anak."Sabi ni lola sa akin.

"Sige ho lola tara po."Tugon ko habang inaalalayan ko si lolang mag lakad.

"Kuya pakitulungan si lola pagbaba nya ha?Salamat."Sabi ko kay manong tricycle.

"Sige ho 'la mag ingat ho k---

"Napaka-buti mong bata.Sigurado akong proud sayo ang mga magulang mo.Salamat anak at magiingat ka."Bigla akong natulala sa sinabi ni lola.

Kung swerte sila sa akin bakit nila ako iniwan?

Bakit wala sila sa tabi ko ngayon?

Bakit wala sila nung mga panahong kailangan ko sila?

Bago pa tumulo ang luha ko ay umalis na ako at sumakay ng jeep.

"Aissh.bat ko ba iniisip yon?"Bulong ko sa sarili ko at nag soundtrip na lang.

Maswerte ang mga magulang mo sayo.

Sana nga.

"Manong para po!"Tugon ko at nag madaling bumaba.

Habang naglalakad sa daan ay di ko maiwasang mag masid masid sa paligid na kadalasan kong ginagawa kung kaya't napansin ko ang isang babae.

"Anong problema nun?Aisssh!Sobrang init."Nag madali akong naglakad patungo sa babaeng nakita ko at laking gulat ko ng bigla siyang matumba kung kaya't nag madali ako.

"Miss?Miss?Uyy miss?Aisshhh!"Binuhat ko sya papunta sa resto na pinagtatrabahuhan ko.

"O yurky!Aa--ano ya-an?Aa-yy si-siino yan?jusko lord!"Tugon sa akin ng boss ko.

"Nakita ko sa kalye nahimatay.siguro sa init.okay lang ba boss dito muna to?sagot ko na to."Pakiusap ko sa boss ko.

"Okay lang yurky basta ikaw alam mo yan."At tapik sa balikat ko."Sigurado ka bang di mo kilala yan?"Hayy nako uumpisahan nanaman ako.

"Boss kim naman.Aisshh."Pasinghal kong sabi kung kaya't natawa na lamang siya.

"Kfine.wadeber.bilisan mo na dyan at marami ng tao."Tugon nito bago umalis.

Miss pag nabasa mo to wag kang mag iiskandalo or what. Nasa resto ka okay. Pag nagising ka lumabas ka at makikita mo ako don.
-yurkyng

"Okay na siguro to."napabuntong hininga na lang ako at inilapag ang note na sinulat ko sa lamesa.

Napatitig ako sa kanya at napangiti.

"Ang ganda mo."bulong ko at tsaka lumabas na para mag trabaho.



--to be continued.

Ang Dating TayoWhere stories live. Discover now